Yassi, magbubukas ng kauna-unahang dog park

Yassi
STAR/ File

Bukod sa pagiging artista ay abala rin ngayon si Yassi Pressman bilang isang negosyante. Bago magtapos ang 2020 ay nailunsad ng aktres ang Presidential Paws na isang dog accesories shop. “Presidential Paws is actually opening the Philippines first dog park in BGC with Pet Me. It’s going to be the first dog park there off leash and we’re also going to do one in The Farm at San Benito,”  bungad ni Yassi.

Mahigit isang dekada na sa show business ang dalaga. Nakapagpundar na ng bahay at sasakyan si Yassi. Isang vacation house din ang naipundar ng aktres katuwang ang ilang kaibigan sa Canada. “I have been looking at property investment po and Canada was one of the places that’s why I was excited kasi ‘yon po ‘yung unang natapos. Some of my partners are there and they’re able to build it. And then we’re on Airbnb. We’re just trying that out po. We have a couple of guests in and they’re having a great time,” kwento ng aktres.

Para kay Yassi ay mahalagang nakapagpupundar habang kumikita sa showbiz.

Distributor din ang aktres ng Wavee toothbrush sa Pilipinas. Hanggang maaari ay parehong tinututukan ng dalaga ang pagiging artista at negosyante. “I just try to time block. Kasi po I really want to grow more as an individual. Gusto ko po sana makapag-explore pa with my entrepreneurial side. Get advice from a lot of my friends. Of course hinding-hindi ko makakalimutan ‘yung main bread and butter and my business for my family which is acting, hosting and performing. I also want to Grow Presidential Paws and Wavee. So time blocking lang para magawa lahat,” pagtatapos ng dalaga.

CJ, tinapos na ang unresolved issues sa buhay

Siyam na taong gulang pa lamang nang magsimulang umarte si CJ Navato noon sa Goin’ Bulilit. Ngayon ay 25 na ang aktor at aktibo pa rin sa show business. Aminado si CJ na hindi niya nagagawa nang maayos noon ang trabaho dahil sa pagiging mahiyain. “Parang ngayon po na nagma-mature ako, parang wala na akong unresolved issues sa life. Parang wala na akong millennial angst. Dati kasi parang maarte ako sa acting. Acting na nga inaartehan ko pa. Parang ‘di ko magawa kasi I was not comfortable. Nahihiya ako, pero ngayon I feel like I can really give more. Parang makaka-set din ako ng standard of what I can bring to the table,” pagtatapat ni CJ.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay nangangarap ang aktor na makaganap bilang isang bad boy sa proyekto. “’Yung something cool naman, ‘yung talagang magta-transform ako. ‘yung talagang bibigyan ako ng time to really get there, pero okay din po ako sa gagawing weak ‘yung personality ko. Tapos mayroong malaking character development doon sa story, gusto ko po ‘yun gano’n,” paglalahad ng binata.

Maliban sa pag-arte ay tutok din si CJ sa pagiging singer at composer.

Abala ngayon ang binata para sa bagong single niyang In My Imagination. (Reports from JCC)

Show comments