Jessy preggy na ba?
Kung kailan naka-ECQ at may lockdown at saka tumataas ang COVID infection.
Hindi rin tamang isipin na kung bakunado ka na hindi ka na tatamaan. Si Kim Domingo, sinasabing ginagawa ang lahat ng pag-iingat at bakunado na pero tinamaan pa rin ng COVID. Kinatatakutan pa lang natin ang Delta at Lambda variants, may nakita na namang C1.2 variant kaya mukhang wala na talagang katapusan.
Kaya naman sabi ni Cong. Vilma Santos, matinding pag-iingat na talaga ang kailangang gawin.
“Kaya ang kailangan talaga mas matinding ingat pa. Kasi talagang napakaraming variant, at kung napansin ninyo simula noong magbakuna lalong dumami ang variants, kasi iyan daw virus matindi ang memory. Alam nila kung ano ang ginamit para mapatay sila, magmu-mutate naman sila para hindi na sila mapatay noong ganoong gamot.
“Sa process ng mutation, nagkakaiba-iba, maraming nagiging variant. Pero nakipag-meeting nga ako noong isang araw sa health department namin, sinasabi nilang ang kailangang ipatupad na safety protocols ay ganoon pa rin. Ang kailangang gamutan kung tamaan ka man ng kahit na anong virus, ganoon din. Kasi parehong coronavirus iyan, nagmu-mutate nga lang dahil sa mga gamot na ginagamit natin,” kuwento ni Ate Vi
“Kaya kami sa bahay, temporarily naka-lockdown na kami. Dalawa lang iyong lumalabas para bumili kung ano ang kailangan, at hiwalay naman sa amin ang living quarters nila.
“Mahirap mong ipatupad iyan doon sa pamilyang ang bahay ay sama-sama sila talaga, kaya bumibilis din ang hawahan dahil kahit hindi na lumalabas sa bahay iyong karamihan, may lumalabas pa ring iba. Kung mahawa ang mga iyon, lalong mabilis na mahawa ang buong pamilyang naka-lockdown.
“Wala tayong magagawa kundi mag-ingat at magdasal na lang na matapos na ito,” mahaba pang sabi ni Congresswoman Vilma Santos, na simula noong pandemic ay hindi na talaga lumalabas ng bahay.
“Nagagawa ko naman ang trabaho ko. Nakakasali ako sa usapan sa kongreso dahil naka-Zoom naman kami. Iyon din ang ginagamit ko para mai-supervise naman ang trabaho sa aming field office sa Lipa. Nakikita ko silang lahat at nakakausap. Wala naman akong napapabayaan pero hindi ako lumalabas ng bahay.
“Kailangan naming lahat na mag-ingat. May mga senior na sa amin, and very soon baka madagdagan kami ng isang baby sa bahay. Kaya kailangan mag-ingat talaga. Wala kang assurance na hindi ka tatamaan,” sabi pa ni Ate Vi.
Angel, kailangan pang magpapayat
Napanood namin sa TV kagabi ang pelikula nina Aga Muhlach at Angel Locsin. Aywan, pero siguro nga iyon ang panahong kahit na sino ay nagsasabing napakaganda ni Angel. Hindi lang maganda ang kanyang mukha, sexy rin siya. Tatanungin mo nga ang sarili mo eh, bakit kaya hindi siya niligawan noong araw ni Richard Gutierrez? Iisipin mo rin, bakit ba siya pinakawalan pa ni Luis Manzano? O naduling ba si Phil Younghusband at pinakawalan pa si Angel? Aba iyong gandang iyon hindi mo pakakawalan eh.
Aaminin namin, nadismaya rin kami at hindi makapaniwala noong makita namin ang isang picture niya na lumapad na. Mabuti naman at nahabol niya. Lumiit-liit na siya nang kaunti ngayon, pero kung maibabalik niya iyong dati, ang daming mga batang artista na aagawan niya ng career.
Bukod sa ganda, napakahusay din na aktres si Angel, pero kung matatalo siya ng karaniwang problema ng mga artistang babae, iyang pagtaba, aba eh wala na ngang mangyayari.
Dalawang bi male stars na anak ng mga artista, nagde-date na
Nagkita raw sa abroad ang dalawang male stars na Pinoy na hindi naman maikakailang “bisexual” o ang tawag sa sarili nila ngayon ay “metrosexual.”
Masaya raw ang pagkikita ng dalawa, na siyempre nauwi na sa isang date. Ang tanungan sa tsismis ay sino raw kaya ang “boy role” sa kanilang dalawa.
Wala namang naging cross dresser sino man sa kanilang dalawa. Iyong isa open sa sexuality niya pero malihim sa relasyon. Iyong isa nagpipigil pang magladlad pero balitang-balita kung sinu-sino ang nakakarelasyon.
Sino nga kaya kung ganoon ang mas bading sa kanilang dalawa.
Clue? Parehong artista rin ang mga tatay nila, na hindi bading ha.