Sarah G, expert na sa pagiging misis
Nag-trending recently ang replay ng life story ni Sarah Geronimo sa Magpakailanman.
Ito ay matapos ding mapanood sa GMA 7 ang first-ever digital concert niyang Tala: The Film Concert last July.
Kaya naman maraming nag-expect na baka nga mapapanood na sa GMA 7 si Sarah G like Bea Alonzo and Xian Lim.
Pero ayon sa isang insider ng Kapuso network, wala pang talks na nagaganap tungkol dito.
Anyway, kung kailan naging misis si Sarah saka naman maraming nakapansin na ang parang mas gumanda at bumata ang Popstar Royalty lalo na sa kanyang short hair. Ito kaya ay dahil ine-enjoy pa nila ni Matteo Guidicelli ang animo’y honeymoon period pa rin nila?
Or baka nga easy-easy lang siya sa pagiging misis dahil may katuwang siya para gampanan ang kanyang pagiging isang maybahay?
At ‘yun pala, pagdating sa appliances, katuwang niya ang Hanabishi. Ayon pa sa bagong misis, sa panahon ng tag-ulan, may listahan din siya ng appliances na kanyang pinagkakatiwalaan tulad ng washing machine at dryer, electric griller at hotpot, air purifier at sterilization lamp at dishwasher at sterilizer. “Natutunan ko na importanteng labahan agad ang mga damit na nabasa sa ulan at agad din itong patuyuin para maiwasan ang masamang amoy at dito tiwala ako sa kanilang washing machines at dryers,” ayon kay Sarah.
Bet din daw niya ang electric griller at hotpot dahil mas pinadali nito ang pagluluto niya sa kanyang kusina. Kilalang mahilig magluto at mag-bake si Sarah. “Dual function siya, puwede siya sa pag-iihaw at sa hotpot. Puwede rin siya sa pagpriprito at sa paggawa ng sopas,” aniya pa.
At ngayong panahon ng pandemya, na-realize rin niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng air purifier at sterilization lamp sa kanyang tahanan. “Kapag maulan, mas prone tayo sa sakit, importante sa akin na malinis palagi ang bahay, so an air purifier for me is a must,” sey niya pa.
Pagdating sa paglilinis at pagdi-disinfect ng bathroom at kitchen, Hanabishi portable UVC sterilization lamp naman ang gamit niya.
Praktikal din daw para sa homemaker na tulad niya ang magkaroon ng dishwaher at sterilizer.
Bukod sa mga endorsement at baking, pinaghahandaan ngayon ni Sarah ang panibagong digital concert.
Viral singer na si gigi, may debut album na
Dalawa sa pinakaaasam na pangarap ng viral Kapamilya singer na si Gigi de Lana ang matutupad sa pagpoprodyus ng ABS-CBN Music ng kanyang debut album at pagkakaroon niya ng sariling digital concert na pangungunahan ng ABS-CBN Events.
Pagkatapos nga mag-viral kamakailan dahil sa cover niya ng Bakit Nga Ba Mahal Kita, mas maipapamalas pa ngayon ng Rise Artists Studio talent ang galing niya sa pagkanta sa pamamagitan ng kanyang nalalapit na full-length album.
“Nag-pursige kami ng The Gigi Vibes band na gumawa ng sariling songs. Dun kami nag-grow at dun kami nag-start, so meron po kaming ilalabas na album,” aniya, na sinabi ring ilalabas na ang una niyang single sa Setyembre 24.
Isang pasabog na YouTube Music Night concert din ang paghahandaan ni Gigi na mangyayari naman sa Disyembre.
“We are preparing for something big and ito inaareglo na ng banda kung ano ba ‘yung gagawin sa mga kanta, gagawa kami ng medley, maraming pakulo. May guests din pero secret pa,” patikim ni Gigi sa kanyang media conference noong Biyernes.
Makakasama rin siya sa Filipino music festival na 1MX Dubai na gaganapin nang live sa Disyembre 3.
Unang nakilala ang Rising Viral Star nang sumali siya sa unang season ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime, kung saan isa siya sa mga naging grand finalist.
Nitong nagkaroon ng pandemya, sinimulan ni Gigi ang online live gig na GG Vibes, kung saan nagpe-perform siya ng mga cover kasama ang The Gigi Vibes band at tumatanggap din ng song requests mula sa mga manonood. Tuluy-tuloy ang pag-ani niya ng papuri habang umaabot sa libu-libo ang live viewers ng GG Vibes sa Facebook at YouTube.
Bukod sa pagkanta, sumabak na rin siya sa pag-arte at napanood noong 2020 sa Star Cinema movie na Four Sisters Before the Wedding.
Bago si Gigi, nauna nang nagtanghal sa YouTube Music Night noong Pebrero sina Jona, at sina Juris at Jed Madela.
- Latest