Mga sinehan, hinihiritang buksan kahit 25% capacity lang
Umaasa si Film Development Council of the Philippines Chair Liza Diño na kahit 25% ay magbubukas ang mga sinehan bago matapos ang 2021.
Lalo na at beginning this year, ang Pilipinas ay opisyal na ipagdiriwang at gugunitain ang heritage, significance at legacy ng Philippine Cinema sa Philippine Film Industry Month next month.
Sa kasalukuyan ay ginawang vaccination site ang ibang mga sinehan sa mall at ang iba naman ay tuluyan nang nagsara.
Anyway, ang FDCP ang mangungunang ahensya sa pagdiriwang ng Philippine Film Industry Month na mayroong ng mga nakapilang kaganapan at programa para sa pambungad ng selebrasyon na may temang Ngayon ang Bagong SineMula!
Gaganapin ito online – sa social media pages ng FDCP para sa Opening at Closing events. Ang screenings naman ay eksklusibong idadaos sa FDCP Channel virtual platform (fdcpchannel.ph).
Ang Opening ng Philippine Film Industry Month sa Setyembre 1 ay ipalalabas ng live sa Facebook pages at YouTube channel, na magtatampok ng paglunsad ng Nood Tayo ng Sine Campaign kasama ang important announcements mula sa International Film Industry Conference (IFIC), First Cut Lab Philippines (FCL PH), FDCP FilmPhilippines Incentives Program, at Mit Out Sound: International Silent Film Lab.
Ang flagship program ng FDCP, ang ika-limang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), ay nagbabalik din sa FDCP Channel kasama ang first leg nito, tampok din ang free screenings mula sa Sine Kabataan Short Film Competition at Sine Isla: LuzViMinda Short Film Competition mula Setyembre 17 hanghang 26.
Ipapalabas din nang libre sa FDCP Channel ang walong heritage films na restored o enhanced ng FDCP Philippine Film Archive kabilang dito ang Insiang ni National Artist Lino Brocka at Manila by Night ni National Artist Ishmael Bernal sa buong buwan ng Setyembre, at ang mga pelikula sa espesyal na Elwood Perez Retrospective mula Setyembre 25 hanggang 30.
Tatlong pelikula, Ang Turkey Man Ay Pabo Rin ni Randolph Longjas at ang mga restored version ng Bata Bata Paano Ka Ginawa at Dekada ’70 ni Chito S. Roño ay for rental para sa Pamana ng Lingkod Bayani @ FDCP Channel mula Setyembre 1 hanggang 12.
- Latest