Janella, Tony at Barbie, hindi feel ang cancel culture
Maymay, masaya para kay Kisses
Hindi suportado nina Janella Salvador at Barbie Imperial ang ‘cancel culture’ sa social media.
Ayon sa nagbabalik-acting na si Janella matapos manganak : “I don’t support cancel culture. I believe in character development. Lahat ng tao ay pwedeng magbago.”
Ayon naman kay Barbie : “Hindi ko siya sinusuportahan kasi hinuhusgahan ang isang tao dahil lang sa isang bagay. Lahat naman ng tao nagkakamali. Pwede naman iparating sa tao na dapat magbago siya na hindi siya hinihila pababa.”
Maging si Tony Labrusca ay nagsabing “Hindi ako naniniwala na healthy ang cancel culture. It’s so toxic and based off of hate. I don’t support that movement because we’re not in a position to cancel anyone.”
Uso sa kasalukuyan ang cancel culture – (Cancel culture refers to the popular practice of withdrawing support for (canceling) public figures and companies after they have done or said something considered objectionable or offensive. Cancel culture is generally discussed as being performed on social media in the form of group shaming - https://www.dictionary.com/).
Nasabi ito nina Janella, Tony at Barbie dahil sa kuwento ng trahedya ang magiging kapalit ng masasamang gawain sa social media nila nina Maymay Entrata at Jerome Ponce sa ikalawang season ng original digital anthology series na Click, Like, Share.
Ngayong Setyembre 3 nga mapapanood ang apat na bagong episodes nito sa iWantTFC kada Biyernes ng 8 p.m., dalawang araw bago ito ipalabas sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z kada Linggo ng 8:30 p.m.
Bibida si Maymay sa unang episode na Lurker bilang ang mahirap ngunit masipag na waitress na si Beng. Sanay sa pang-aapi si Beng ngunit magbabago siya pagkatapos siyang pahiyain ng isang mayaman na social media influencer na si Trish (Michelle Vito).
Bibida naman si Tony sa Altered kung saan tanging hanapbuhay niya ang pag-eedit ng mga litrato upang siraan ang mga kilalang personalidad.
Masusubukan ang pagiging mag-best friend nina Jenna (Barbie) at Kris (Lance Reblando) sa Found. Tutulungan ni Jenna si Kris na makakuha ng date kay Vince (Jerome) gamit ang isang dating app, ngunit magiging komplikado ang samahan ng magkaibigan pagkatapos mahulog ang loob ni Jenna kay Vince.
Sa huling episode na Barter, mag-isang itinataguyod ni Janice (Janella) ang kanyang kapatid pagkatapos mamatay ang kanilang ina. Upang makaipon ng pera, nagbebenta si Janice ng mga luma at sirang appliances online – isang bagay na magdudulot ng sunud-sunod na trahedya sa kanyang buhay matapos itong ikamatay ng isang customer.
Speaking of Maymay, masaya ito para kay Kisses Delavin na maingay ang laban sa Miss Universe Philippines. “Nagulat ako na may halong masaya sa kanya kasi since PBB gusto niya talagang maging beauty queen. Masaya ako para sa kanya. Kung gusto niya akong kausapin, nandito lang ako para suportahan siya,” aniya pa sa ginanap na media conference kahapon ng Click, Like, Share.
- Latest