Lovi, kumpirmado sa Hollywood movie

Lovi
STAR/ File

Ito na pala ang sinasabi ng ilang malapit kay Lovi Poe na meron siyang pasabog na darating.

May mga nagtatanong na nga kung ano na ang latest sa renewal ng kontrata ni Lovi sa GMA 7 o itutuloy na ba nito ang paglipat sa Kapamilya channel. Pero may iba palang pinagkakaabalahan ang aktres, na bongga naman.

Kinumpirma na ngang si Lovi ang napiling gumanap bilang si Dana Gillespie sa movie project na The Chelsea Cowboy. Makakasama ni Lovi rito sina Alex Pettyfer ng Magic Mike at si Poppy Delevingne ng pelikulang Riviera. Ibinase ang kuwento ng pelikula sa buhay ng isang aktor, gangster at lothario na si John Bindon na gagam­panan ni Pettyfer.

Ayon sa lumabas na item sa Deadline, nagustuhan daw ng production si Lovi na gumanap sa mahalagang role na ito. Saad ng director nitong si Ben Cookson; “The team and I are delighted to have Lovi onboard and can’t wait to see her portrayal of Dana Gillespie—a sixties icon and charismatic singer and actor, whose own life would indeed make an amazing biopic.”

Nasa Los Angeles, California na si Lovi at nire-represent siya roon ng APA at More/Medavoy Management.

Naka-text ko ang manager ni Lovi dito na si Leo Dominguez at sinusubukan niyang ma-contact ang aktres para makapanayam namin.

Lj, itutuloy ang biyahe sa Amerika

Pinik-ap ang huling guesting ni LJ Reyes sa Mars Pa More na kung saan ay sinabi niyang kung sasabihin daw sa kanya ni Paolo Contis na mag-empake na at mag-migrate na sila sa ibang bansa, gagawin daw niya. Willing nga si LJ na iwan ang showbiz career alang-alang sa tahimik na pamumuhay sa ibang bansa kasama ang pamilya.

Pero anong nangyari? Ang naiisip ng iba, parang gimmick lang talaga ito lalo na’t nasa top 10 trending pa rin ng Netflix ang pelikula ni Paolo na A Faraway Land.

Pero hanggang ngayon ay wala pa ring imik sina Paolo at LJ. Ang latest lang na narinig namin ay talagang aalis daw pa-Amerika si LJ kasama ang dalawa niyang anak.

Susunod kaya si Paolo? Marami sa mga taga-showbiz at mga kaibigan nila ang nalungkot kung totoo mang nagkahiwalay na sila.

Kelley, mas masaya sa pagiging kontrabida

Sobrang na-enjoy na ng beauty-queen Kelley Day ang pag-arte lalo na’t sa kanya ipinagkatiwala ang role bilang si Audrey sa The World Between Us. Naisalang siya sa kontrabida role nang magsimula siya sa pag-aartista, pero nagustuhan niya ang pagkakontrabida niya rito sa The World Between Us.

Ang maganda pa ay nagustuhan din siya ng fans ni Alden Richards sa role niya rito. Kaya parang gusto na raw niyang mag-focus sa pag-aartista at hindi pa raw niya alam kung itutuloy pa rin ang pagsali niya sa iba pang beauty competitions. “II really loved to act and I want to develop that skill and that’s probably can be my focus. That’s for the next year and we’ll see if there’s an opportunity for me to pursue pageants. I will never close the door forever,” saad ni Kelley.

Naka-hold pa ang Miss World-Philippines na kung saan ay ire-relinquish na niya ang kanyang korona bilang Miss Eco International Philippines. Nag-first runner up siya nang lumaban siya sa Egypt.

Pero may mga nangyari roon na napabalitang nahawa sila roon ng COVID-19. Kaya lang tahimik si Kelley tungkol diyan at tumatanggi siyang pag-usapan ito.

Show comments