Nakikiramay po kami sa mga naiwan ng PSN and PM columnist na si Tito Vir Gonzales.
Institusyon na sa pagsusulat ng kolum si Tito Vir na isang true blooded Bulakeño. Meron din siyang mga alagang action star noon.
Namayapa siya kahapon matapos ma-stroke.
Salamat sa masasayang alaala at sa espasol na paborito niya dating iregalo sa tuwing nakakapasyal ng Port Area. At sa tuwing mag-a-attend siya ng Christmas party noong wala pang pandemya.
Rest in Peace, Tito.