Kung totoong hiwalay na nga sina Paolo Contis at LJ Reyes, nakaka-sad naman.
Kasi akala ko ito na ang ‘the one’ for Paolo dahil matagal din sila at mukhang compatible na dalawa. Parang tahimik naman ang lovelife nila kaya nagulat din ako sa balita.
Siguro nga dumating sila sa punto na nawala na ang romance, may mga konting problema na lumaki, kaya umabot sa hiwalayan.
Sayang talaga ang isang relasyon ‘pag napuputol lalo na at marami ka nang na-invest na emotion. Sayang din ‘yung oras na akala mo lalong nagpatibay sa inyong dalawa, pero sa halip ay pumutol pa sa nadarama n’yo para sa isa’t isa.
Totoo ‘yung dapat bawat oras may good memories kayo, para lalong tumibay, pero kung sa oras na iyon problema ang hinaharap n’yo, magiging manipis ang lubid na nagbibigkis sa inyong dalawa.
Sana lang walang bitterness kina Paolo at LJ. Sana maging maganda ang moving on process nilang dalawa. Sana they will end up as friends for the sake of Summer, ang anak nila.
Samantala, smokescreen naman masyado ‘yung tsismis na isinasali sa hiwalayang Paolo at LJ ang pangalan ni Yen Santos.
Open secret naman o silent whisper kung sino talaga ang karelasyon ni Yen noh! Huwag na siyang isali at baka kung ano pa ang lumabas, mas shocking pa ang mangyari.
Walang third party sa hiwalayang Paolo at LJ, it was a matter of na-outgrow na nila ang romance sa kanilang relasyon. Kesa naman humantong pa sa pag-aaway, mas gusto na nila na maghiwalay nang maayos, at dasal na mag-end as friends.
Huwag na nating idamay pa si Yen dahil may sarili siyang love story kaya hindi siya kasali sa lovelife nila Paolo at LJ noh!
Huwag nang guluhin ang issue, huwag nang magdagdag ng casting para hindi lumaki ang production cost, hah hah.
Stop na natin ang script sa ending nina Paolo at LJ, huwag nang dagdag subplot para hindi gumulo ang istorya.
Ganun lang iyon, nawala ang romance, stop, bago maging horror story.