^

PSN Showbiz

Pandemya, pinasigla ang mga halaman!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang sarap sa mata ng malalagong halaman.

Mabuting bagay na nagawa ng pandemic ang pagdami ng mga plantito at plantita.

Ngayon ang ganda-ganda na ang dami mong nakikitang mga halaman at mukhang lahat naging aware sa kahalagahan ng kalikasan.

Sayang nga kung minsan na iyong mga puno na pinuputol dahil sa road widening, na kadalasan ay sinasabing saka na lang tataniman. Iyon makita mong na ang laki nang mga puno tapos mawawala, then every year may eklay na tree planting ceremony. Hindi ba puwedeng kasali iyon mga puno sa anuman plano. Ok naman ang road widening pero hindi na puputulin ang mga puno?

Hay naku, basta mabuti na nga na meron mga plantito at plantita, at least marami nang mga tanim na nakikita.

Ang ganda ‘di bah ! Lalo na pag nakikita mong lumalaki na ang mga halaman. Green all over, bawas pa sa pollution.

Pinky, bibida sa Chinoy TV

Ang cute ng invitation ng mga anak ni Pinky Tobiano para sa appearance ng mommy nila sa CNN Philippines ngayong  linggo. Iyon caption na Chinese by Blood, but Filipino by Heart, ang ganda at bagay na bagay kay Pinky na isang chemist at philantropist.

Napaka-matulungin niyang tao na sure ako namana ng mga anak niyang sina Pianne at Karrel na mga anak niya.

Isa sa talagang natutulu-ngan ni Pinky ay ang Home for the Aged na beneficiary niya every birthday niya. Mahal na mahal niya ang mga matatanda na inaalagaan doon.

Saka basta lumapit ka sa kanya, sure na tutulungan ka kaya naman siguro very blessed ang buhay niya.

Congrats Pinky, bongga. For sure we will love it, dahil from the heart ang pagtulong mo, sincere at walang ibang motibo, just plain pagtulong.

PINKY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with