^

PSN Showbiz

Paolo, tahimik sa pinagdaraanan nila ni LJ

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Paolo, tahimik sa pinagdaraanan nila ni LJ
Paolo.

Ngayon lang deadma si Paolo Contis kapag nati-text ko siya. Ang bilis pa naman niyang sumagot kapag wala siyang ginagawa, dahil ang hilig din niyang makipagtsismisan.

Alam niyang tungkol sa isyu nila ni LJ Reyes ang ikukulit ko pero hindi talaga siya sumasagot.

Kilala ko si Paolo, na kaya hindi niya ako sinasagot dahil ayaw naman niyang magsinungaling.

Bago pa pumutok ang isyung ito ay napansin ko sa Instagram ng Kapuso actor na parang may mga nabawasan na IG post. Meron namang naiwang post na nandun si LJ, dahil kasama nila ang anak nilang si Summer. Pero waley na nga ang emote niya na nagpapasalamat kay LJ sa pag-aalaga at miss na miss na niya ito, nung pumasok siya sa lock-in taping ng I Left My Heart in Sorsogon.

Lalo pa akong naintriga nang mag-post siya ng “Tough road ahead…Rest. Reflect. But never stop mo­ving...” Halatang may hugot na siya sa post niyang iyon na hindi naman niya ako sinagot nang kulitin ko siya ng explanation sa post niyang iyon.

Lalo siyang nanahimik at deadma na nang pinik-ap na ang pag-delete ng mga pina-follow niya pati si LJ. Ang dami nang nagtatanong sa kanya kung ano ang nangyari sa kanila ni LJ at ganundin ang aktres na dinagsa rin ng ganung tanong.

Wala pang alam kung magsasalita sila sa isyung ito. Maaaring ang GMA Artist Center na ang mag-aayos at sana nga ay magkaayos na rin sila.

Ang sinasabi lang nga ng iba, nagdududa silang baka eme eme lang daw ito para umingay dahil may pelikulang A Faraway Land na nagsimula na sa Netflix.

Nasabay pa kasi ito sa pagsisimula ng strea­ming, kaya baka gimmick lang daw. Pero sabi ko nga, kilala ko si Paolo at hindi siya papayag na gagamitin pa ang relasyon nila ni LJ para lang umingay ang pelikula nila ni Yen Santos.

Ang napansin ko lang, isang araw pa lang napapag-usapan ang isyung ito, pero lalong dumami ang followers niya sa Instagram.

Kung hindi ako nagkamali, halos 20K followers ang nadagdag sa kanya, pero wala pa rin siyang pina-follow.

Pelikula nina Daniel at Charo, sasabak din sa Toronto Filmfest

Very proud ang FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra sa pagsali ng mga pelikula natin sa katatapos na Locarno International Film Festival sa Switzerland.

Ang galing nga ni direk Carlo Francisco Manatad na first time ang idinirek niyang Kun Maupay Man It Panahon ay nagwagi agad ng Cinema E Gioventu Prize sa Concorso Cineasti del Presente o Filmmakers of the Present Competition.

Siyempre, talagang hinanap daw doon si Daniel Padilla na bida sa pelikulang ito. “They’re so impressed, kasi ‘yung quality ngayon ng pelikula ibang klase na. It was well-attended, fullhouse siya.

“Of course hinahanap talaga nila si Daniel kasi siya ‘yung nagdala ng film ‘di ba?” pahayag ni Madam Liza sa amin interview sa DZRH noong nakaraang Miyerkules ng gabi.

“Ang pinaka-comment nila, wow! Inaabangan nila ngayon these new generation of filmmakers kasi hindi lang maganda ‘yung kuwento ng mga pelikula natin, pero binibigyan lang nila ng importansya ‘yung production quality. Kasi pag makita n’yo lang ‘tong pelikula ni Carlo, my God! Alam mo talaga na hindi sila nagtipid. They really made sure na ang sound, to the shots, napakaganda talaga ng quality. Pang-world class talaga,” dagdag niyang pahayag.

Ang susunod daw na sasalihan nitong Kun Maupay Man It Panahon ay sa Toronto International Film Festival na isa ring malaking international filmfest.

Sana nga ay maganda rin ang resulta nito sa Toronto. Sana nga ay ito na rin ang isasali sa Oscars.

 

PAOLO CONTIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with