^

PSN Showbiz

John Lloyd, malalim ang hugot sa nagaganap sa Afghanistan

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd, malalim ang hugot sa nagaganap sa Afghanistan
John Lloyd.

Bukas daw tayo sa refugees mula sa Afghanistan. Panibagong isyu na naman ito na pagtatalunan ng taumbayan, at may kanya-kanya silang opinyon.

Pero sa mundo ng showbiz, kung sakaling may papasok ngang refugees mula Afghanistan, hindi malayong may mga bagong mukhang tutuklasin na mga Afghan. Ang gaganda at ang guguwapo ng mga taga-Afghanistan. Kaya kung nakinabang nang bonggang-bongga rito ang mga Brazilian, malaki talaga ang posibilidad na may mga modelo at mga artistang Afghans.

Pero sa ngayon ay may ilang celebrities na involved din at nagpahayag ng kanilang pagdamay sa mga taga-Afghanistan. Ang haba nga ng emote ni John Lloyd Cruz sa kanyang Instagram na kung saan nagpahayag siya ng kalungkutan at pag-aalala sa mga tagaroon.

Bahagi nga ng mahabang post niya sa kanyang IG account; “Malayo man tayo sa totoong peligro ng giyera hindi ibig sabihin hindi tayo maaapektuhan nito. Malayo man tayo sa banta ng mga mapandagit na kanyon at bala hindi ibig sabihin ligtas na tayo sa tumatagos na pangongonsensya ng mismong paksa na ating napanood, napagkuwentuhan at unti-unting nilubayan. O mas malala, pinili na lang hayaan at tanggaping ‘sadyang ganyan.’”

Ang lalim ng hugot ni Lloydie at nagbigay din siya ng magandang mensahe sa mga taga-Afghanistan lalo na sa mga inosenteng nadadamay sa gulong ito. Sa mga kabataan at mga matatanda, lalo na silang mga musmos at walang muwang, sa mga ama at ina, sa mga sundalo at sibilyan, sa lahat ng tao na naiipit sa gitna ng peligro ngayon sa Afghanistan, batid ko ang inyong kaligtasan. Maging matatag kayo at matapang.”

Pinuri nga si John Lloyd ng netizens sa magandang mensaheng ipinost na ito para sa mga taga-Afghanistan.

Si Derrick Monasterio naman ay sinabi niyang kung sakaling makakagawa raw siya ng kanta. Gusto raw niyang gawan ng kanta ang mga Taliban. “Gusto kong gawan ng kanta ang mga Taliban. Go away o lumayas ka!” pakli niya nang makatsikahan namin noong Miyerkules sa launch ng bagong single niya sa GMA Music na pinamagatang Virgo.

Apektado raw siya sa napanood niya sa news sa mga taga-Afghanistan na natatakot na sa kanilang buhay dahil sa pagsakop ng mga Taliban sa naturang bansa. “Kung dun ka nakatira, grabe ‘yung chaos nun as in magulung-magulo. Hindi mo alam na paggising mo, isang araw last day na pala ng buhay mo ‘yun. Hindi natin naisip kung gaano tayo kasuwerte na hindi sa atin ‘yun eh. Hindi sa atin nangyari ‘yun. Kasi sa iba, tini-take ‘yun lightly. Pero in fact, napakaseryosong bagay at grabe lang ‘yung nangyari,” dagdag na pahayag ni Derrick.

Derrick gustong mag-ala James, Hidilyn at Mayor Goma

Samantala, natapos na ni Derrick ang taping sa Legal Wives, at naka-focus siya ngayon sa pagkanta. At ang latest single niyang Virgo ay  ibang-iba raw sa mga kinakanta niya dati.

Medyo chill daw ito at tipong party song na pang Gen Z. Parang songs daw ni James Reid.

Bilib nga si Derrick kay James na talagang pinapakinggan daw niya ang mga kanta nito. “Hindi ako fan niya sa acting, pero fan ako ng music niya nang sobra. Ang ganda ng songs at grabe ‘yung musica­lity, very talented. Sabi ko gusto ko mag-create ng something na ganito. Out of my comfort zone. Alam ko naman sa sarili ko na kaya ko, natatakot lang ako. Pero eventually ito na nga,” pahayag ni Derrick.

Pero bukod sa pagkanta, naka-focus din pala si Derrick sa pag-ensayo sa weightlifting. Isa rin daw sa pinu-push niya ay makasali sa Olympics. Kaya matagal na pala siyang nagti-training sa pagbubuhat.

Kaya naman panay daw ang direct message niya sa social media account ni Hidilyn Diaz na sana mabigyan naman daw siya ng tamang techniques.

“Lagi ko siyang dini-DM. Gusto ko kasi magpa-sign ng mga plates ko, ng mga shoes ko, gusto ko magpa-sign. Kasi sinasabi ko sa kanya na pareho tayong ginagawa, na sana minsan mag-training tayo sabay ganyan. Gusto kong malaman kung ano ‘yung technique niya para magawa ‘yun,” saad ni Derrick.

Siya raw ang tipong hindi sumusuko sa isang bagay na gusto niyang gawin. Gusto raw niya ka­sing tahakin din ang career patch ni Mayor Richard Gomez na bukod sa pag-aartista ay nalilinya rin sa sports at umabot pa sa Olympics. “Gusto kong maging Olympic athlete. Medyo malayo na rin ‘yung narating ko sa training. Ngayon, sobrang nagdidisiplina na ako.. “Last time na uminom ako ng alcohol, one year ago pa. Talagang dinidisiplina ko na ang sarili ko,” sabi pa ni Derrick na puspusan ang pagpu-promote ng bagong single niyang Virgo.

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with