Jinkee, shopping pa more habang nakabantay sa mga transaksyon ni Manny sa Vegas!

Jinkee
STAR/ File

Shopping pa more si Jinkee Pacquiao pagdating ng Las Vegas.

Nasa Vegas na ang Team Pacquiao para sa laban ng eight-division world boxing champion and Senator Manny “Pacman” Pacquiao against his new opponent, Cuban boxer Yordenis Ugas, for the WBA welterweight title on Sunday (August 22) na mapapanood on free TV via GMA Network, in partnership with TAP Digital Media Ventures Corp.

Mag-uumpisa itong mapanood sa GMA at 11:00 a.m. while the live blow-by-blow coverage airs exclusively on the Network’s flagship AM radio station Super Radyo DZBB 594 and in all Super Radyo stations nationwide at 9:00 a.m.

After Unified Welterweight Champion Errol Spence, Jr. was forced to withdraw from the much anticipated fight due to an eye injury, lalaban si Pacquiao sa kanyang bagong opponent, Ugas, 35, na initially preparing to make his first title defense against Fabian Maidana in the co-feature of the Spence-Pacquiao card.

Pacquiao, 42, last fought in 2019, winning the WBA super welterweight title against American boxer Keith Thurman.

Bukod sa GMA 7, mapapanood din ang laban ni Pacman sa TV5 at CNN Philippines.

Going back to Jinkee, super tutok daw talaga ito sa lahat ng trasactions sa labang ito ng kanyang mister na first time niyang ginawa lalo na sa money matters.

Sexy star, natakot ma-COA ang regalong bahay ng pulitiko

Bargain palang ibinenta noon ng sexy dancer / komedyana ang kanyang bahay na regalo sa kanya ng isang pulitiko.

Natakot noon si sexy dancer / komedyana na ma-COA ang iniregalo ng isang Kongresista na karelasyon niya.

Kaya naman nang malapit nang matapos ang termino ni Mr. Congressman at shaky na ang relationship nila, ibinenta na raw ni sexy dancer / komedyana sa isang kilala rin sa showbiz ang nasabing magarbong bahay.

Biglang naalala ang tungkol sa sexy dancer / komedyana matapos siyang makialam sa isang issue na hindi siya kasali.

May karelasyon ngayon si sexy dancer / komedyana.

Show comments