Mavy at Cassy, sa mga lupain napupunta ang mga kinikita

Cassy at Mavy
STAR/ File

Nag-renew ng contract, virtually, ang kambal nina Zoren Legaspi and Carmina Villarroel sa GMA 7 two days ago.

Kaya naman asahang magiging visible sila bilang Kapuso stars.

Si Cassy ay kakatapos lang sa First Yaya at si Mavy naman ay nag-lock-in sa taping sa Sorsogon para sa I Left My Heart In Sorsogon pero may mga eksena pa raw ang nasabing light drama series na kukunan sa Manila.

Pero bukod sa series, marami na ring commercials ang dalawa pero alam na nila agad kung paano mag-invest sa tulong ng kanilang parents.

At their age, 20, ayon kay Cassy sa real estate sila nag-invest dahil sa encouragement ng kanilang parents kung saan ang mommy daw nilang si Carmina ang may last word sa kanilang mga kinikita. “Mavy and I have been doing commercials since we were three years old, so growing up, our pa­rents decided na it’s best if we invest on land,” pahayag ni Cassy sa interview via Zoom after ng contract signing nila.

Naniniwala ang kambal na ang parents pa rin ang nakakaalam kung anong pinakamabuti sa kanila.

Si Cassy ay si JD Domagoso ang ‘loveteam’ habang si Kyline Alcantara naman ang kay Mavy. Ayon kay Cassy, comfortable na siya kay JD at gusto niya uli itong makasama sa trabaho.

Habang si Mavy ay binuking ni Casy na mas lumalim ang dimple dahil kay Kyline.

Show comments