Isa sa pinaka-miss ko sa mga nangyayari sa ngayon ay ‘yung pagsisimba ‘pag Sunday.
Kahit every week kay Father Tito Caluag na ako nakikinig ng mass sa TV, iba pa rin talaga ‘yung feeling ng nasa loob ka ng simbahan. Iba pa rin iyon nadarama mo basta nasa loob ka ng bahay ni God.
Iyon lang talaga ang gusto ko na sana hindi nadamay sa pandemic, ang pagsisimba. Sabagay, mahirap ang social distancing sa simbahan, pero iyon sanang palaging open ito para sa gustong pumasok.
‘Pag nasa loob ka kasi ng simbahan, parang at peace ka, parang punung-puno ng hope ang puso mo, parang safe ka at hindi maabot ng problema.
Sabi nila, na sa lahat ng lugar si God, pero iba pa rin ‘yung feeling ng nasa loob ka ng simbahan.
Derek, sunud-sunod ang kontrobersiya
Medyo controversial ngayon ang mga happening ni Derek Ramsay. ‘Yung ‘tampuhan’ nila ni John Estrada, tapos ngayon ‘yung pagiging vocal niya tungkol sa bakuna against COVID-19. Hindi pa siya naniniwala sa epekto nito.
Kilalang very outspoken at frank ni Derek kaya hindi kataka-taka na maging news ang mga sinasabi niya.
Iyon sa kanila ni John like matured men madali namang maayos iyon kung talagang gusto nilang ayusin. Friendship is a two way street, dapat nagkakaintindihan kayo, pareho kayo ng thoughts, pareho kayo ng path para walang disagreements. Ngayon kung talagang hindi na kayo magkakasundo, ok, pero dapat walang bitterness, walang sumbatan, walang bad blood.
Basta go, move on, period. Now, pagdating naman sa kanya-kanyang choices, respeto lang. Ayaw niyang magpabakuna, ok, kanyang paniniwala iyon, kanyang katawan iyon, kanyang health.
We respect what he believes in. Basta tayo na gusto natin ang bakuna, iyon ang gawin natin at dapat nating gawin dahil para sa katawan natin.
At least si Derek kung sakaling may pambayad sa hospital, tayo doble ingat dahil ‘pag nagkasakit tayo dahil magiging mabigat para sa atin.
Igalang natin ‘yung paniniwala niya. At kung tama siya, ok fine, wala namang nawala sa atin kung nagpabakuna tayo.
Siguro kaya exciting personality si Derek kasi nga open-minded siya at very vocal sa nadarama at gusto niya. So, lahat naman ng iyan kayang dalhin ni Derek kaya no problem.