^

PSN Showbiz

Ara, ibinuhos ang lahat-lahat sa kasal!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Halos hindi pa rin makapaniwala si Ara Mina sa nangyaring kasalan nila ni Dave Almarinez noong June 30.

Matagal nang pinapangarap ng aktres na maikasal kaya malaki ang pasasalamat nang makilala ang mister. “Sobrang pinagdasal ko siya talaga. Kasi may mga nag-a-advise din na mag-civil muna kayo kasi pandemic. Sabi ko, ‘I’ve been helping people, we’ve been helping people through the years na single life ko marami akong natulungan.’ I think I deserve this. And I’m very thankful na masaya ang mga tao para sa akin, para sa amin,” pahayag ni Ara.

Ginanap ang pag-iisang-dibdib ng mag-asawa sa Baguio na dinaluhan ng kanilang mga kapamilya at malalapit na kaibigan.

Sinunod umano nina Ara at Dave ang lahat ng mga alituntunin na ipinatutupad ngayon sa mga okasyon dahil sa pagkakaroon ng pandemya. “Talagang sumunod naman kami sa protocol. Sob­rang overwhelmed lang kasi natupad ang dream ko, natupad ang pinag-pray ko. It’s so sad lang na hindi ko lang na-invite lahat ng mga mahal namin sa buhay, mga friend namin, mga kamag-anak namin. Lalo na ako malaki ang pamilya ko, dahil nga kailangan namin na sumunod sa protocol,” paglalahad ng aktres.

Ayon kay Ara ay hindi niya talaga maipaliwa­nag ang kanyang naramdaman habang naglalakad patungong altar.

Pinaghirapan din talaga ng aktres at ng mister ang lahat ng paghahanda upang maging magarbo ang kanilang kasal. “Noon pa, gusto ko talaga ganito ang maging wedding ko. Kasi sabi nila isang beses ka lang ikakasal. Pero ako sasabihin ko isang beses lang ako ikakasal so gusto ko i-all out. As in talagang ibinuhos ko ang heart ko sa details ng wedding, even the motif lahat ng pagka-arte ko, pagka-OC ko. Pati LAhat idea ko ‘yan. Gusto ko parang royal sila,” kwento pa ni Ara.

KZ, gustong tulungan ang visayan singers-songwriters

Napapanood na ngayon sa YouTube ang music video ni KZ Tandingan para sa kantang Dodong at music video para sa kantang Inday TJ Monterde. Isinulat ng mag-asawa para sa isa’t isa ang naturang Visayan songs.

Para kay KZ ay talagang maipagmamalaki ang maraming mga singers at awitin mula sa kabisayaan. “Ang dami-daming artists from Mindanao and Visayas who are amazing singer-songwriters na naghihintay lang talaga magkaroon ng opportunity. Sana lang mabigyan ng pagkakataon na mapakita nila ‘yung mga kaya nilang gawin. Siyempre tayong nandito sa Luzon, sa totoo lang, mas malawak ‘yung platform natin. And the reason being is lahat ng tao sa Pilipinas nakakaintindi ng Filipino but hindi nakakaintindi ng Ilokano, ng Ilonggo and other languages from the Philippines,” pagbabahagi ni KZ.

Tubong Digos, Davao del Sur ang singer. Ayon kay KZ ay gusto lamang niyang matulungan ang mga nagnanais makilala sa larangan ng musika at pagkanta ang ating mga kababayang Bisaya. “Naghihintay lang sila ng pagkakataon. Isa ‘yan sa mga reasons why we’re trying to do this. We are trying to open a door na hindi masyadong napapansin na pwede nating i-explore, na pwede nating ipakita hindi lang sa buong Pilipinas kundi pwede natin ipakita sa buong mundo,” pagtatapos ng Asia’s Soul Supreme. (Reports from JCC)

DAVE ALMARINEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with