Aktres, binilhan ng kotseang mas batang aktres
Bagong kotseng Toyota Alphard ang gamit ngayon ng isang magandang aktres, na ikinataas ng kilay ng mga tsismosa dahil nakakaduda raw kung bakit nakabili siya ng ganun kamahal na sasakyan.
Ngayon ko lang nasagap na pinag-uusapan na raw pala itong si magandang aktres tungkol daw sa bagong dyowa nito.
Sabi ng isang kaibigan, super yaman, influential si bagong dyowa ni magandang aktres na sinundan ko ng tanong kung kasing edad ba niya o mas matanda. Ayaw na akong sagutin ng aking source. Basta ang guwapo raw ng bulsa!
Pero sa pagkakaalam namin may karelasyon itong si super yaman na isa ring magandang aktres, at sila pa rin daw hanggang ngayon.
Kaya lang may nagkuwento naman sa
aming wala na sila, as in matagal na raw tapos ang kanilang relasyon. Kaya nakatuon na raw ang atenyson ni super yamang dyowa dito kay mas magandang aktres na gumaganda pa ang career.
Kahit maganda ang career ni magandang aktres, nakakaduda pa rin daw na kaya nitong bumili ng mamahaling kotse dahil hindi pa naman talaga umaarya ang kanyang career.
Siguro kung maganda ang resulta nitong malaking project na pagbibidahan niya na sinasabing matutuloy na, puwedeng mas bongga na siya at lalo pang yumaman, at makakaya na niyang bumili ng isa pang mamahaling kotse.
Julie Anne, relate much sa limitless!
Asia’s Limitless Star na ngayon ang bagong titulong ibinigay kay Julie Anne San Jose kasabay ng promo ng malaking project niyang Limitless, A Musical Trilogy.
Sabi ni GMA Regional TV and Synergy First Vice President and Head Oliver Victor Amoroso, bagay daw kay Julie ang naturang titulo dahil limitless din daw talaga ang angking talento. “
“Mabibilang lang sa mga daliri natin ang mga artist na katulad ni Julie na singer, dancer, actress, multi-instrumentalist, songwriter. Lahat na yata kayang gawin ni Julie, and you know cannot add it for her to do more. And dito nga sa Limitless, sa trilogy, ginawa lahat ito para kay Julie. At dun mo makikita kung bakit napaka-appropriate na tawagin siyang the Limitless star,” saad ni Mr. Amoroso.
Sa ipinakitang trailer ng bago niyang musical trilogy, ramdam mo ang sobrang nakaka-relate si Julie Anne dito, kaya naging emotional siya sa ilang tagpo nito na kinunan sa Mindanao.
Sa Mindanao ang unang leg nito na pinamagatang Breathe, at kasama niya rito si Christian Bautista at ang taga-Mindanao na si Jong Madaliday. Kasuno ang Heal na sa Visayas naman kinunan at ang pangatlo ay Rise na sa Luzon naman ang location.
Hiningan ko ng reaksyon si Julie Anne sa interpretasyon ko sa tittle ng musical trilogy niya na relatable sa takbo ng buhay niya lalo na sa titulong Heal, natawa naman siya nag-heal na raw siya sa challenges na pinagdaanan niya lalo na sa kanyang lovelife.
Sabi nga niya, bukas naman daw siya sa posibilidad na ma-in love uli pero base sa mga natutunan niya sa nakaraang relasyon, napagtanto niyang kailangang mahalin daw niya muna ang sarili niya. “Of course kasi pag nagmahal ka sa isang tao, kailangan of course na mahalin mo ‘yung sarili mo nang buong-buo. Kasi dun din mag-reflect kung paano ka magmahal sa isang tao ‘di ba?”
Wala pa naman daw siyang balak na ma-in love uli, pero pag dumating daw ang tamang tao para sa kanya, ibibigay pa rin daw niya ang ‘limitless’ na pagmamahal sa taong ito. “Ako kasi ang tipo ng tao na kapag mahal ko ang isang tao…pag mahal ko, bibigyan ko siya ng importansya and of course 100 percent commitment talaga.
“Pero sa ngayon, hindi pa naman, wala pa naman ‘yung ano…wala pa…wala pa, basta. Darating naman po ‘yun, and if I know that person is worth it and if it’s the right kind of love di ba? Limitless din of course ‘yung love,” napapangiti niyang pahayag.
Sa September 17 na ito magsisimula na dinirek ni Paolo Valenciano.
Para sa interesadong bumili ng tickets ay puwede ‘nyong ma-check sa www.GMANetwork.com/synergy. Nagkakahalaga ang tickets ng 599 (General Admission), 1,499 (Synergy Pass GA), 1,199 (VIP) at 3,299 (Synergy Pass VIP).
Mapapanood din si Julie Anne sa All-Out Sundays ngayong tanghali na kung saan nakipagbiritan siya sa special segment nilang Queendom, at kaaabang-abang din ang special segment ni Ed Sheeran na nagpu-promote ng single niyang Bad Habits.