Luis, nalilibang sa cocktail mixing!

Luis
STAR/ File

Nang mag-umpisa ang COVID-19 pandemic noong isang taon, maraming mga Pilipino ang nag-umpisa ng mga bagong libangan tulad ng pag­luluto, baking, at pagiging plantito at plantita. Pero para kay Luis Manzano, ang cocktail mixing ang isa sa mga naging libangan na pwedeng gawin ng mga Pinoy.

Well, hindi na bago kay Luis ang bartending dahil ito ay nagtapos ng kursong Hotel and Restaurant Management sa College of St. Benilde

“There’s something magical about being a bartender. When you’re out with friends and someone’s mixing a drink, you can’t help but look.

“Ibinalik ako ng G-Mix Nation sa mga panahon ng bartending class ko noong ako ay estudyante sa kolehiyo,” sabi ni Luis.

“Ako na ang nagsasabi sa inyo na mae-enjoy n’yo ang panonood ng G-Mix Nation. Noong bago mag-pandemic, madalas umo-order lang tayo pero hindi natin napapansin ang hirap at ang talento ng bartender sa paggawa ng cocktails. G-Mix Nation is one big learning experience where you get to appreciate the art of cocktail making and learn a new skill,” kuwento pa ni Luis sa isang masaya at naiibang collab sa YouTube na inilunsad kamakailan ng Ginebra San Miguel at ng Kapamilya actor at host.

Ang G-Mix Nation, na pinakaunang online mixology series ng Ginebra San Miguel ay naglalayong magturo sa mga manonood ng bartending o paggawa ng cocktails o mixed drinks kahit sa kanilang mga tahanan at para mas lalong maiangat ang pagtingin sa art ng cocktail mixing lalo nga’t ang gin ang kanilang paboritong inumin.

Kasama ng mister ni Jessy Mendiola sa G-Mix Nation online mixology series sa YouTube ang ilan din sa mga sikat na online influencer pati na rin ang ilan sa sikat na celebrities tulad ng aktres at GSM Blue brand ambassador Sue Ramirez at dating Barangay Ginebra San Miguel player Jayjay Helterbrand.

Ngayong nauuso ang “home bar” lalo na at bawal pa rin ang dine-in dahil sa patuloy na pagdami ng new cases ng coronavirus sa pagkalat ng Delta variant, naglabas din ang Ginebra San Miguel ng G-Mix Nation Home Bar Kit, ang ultimate survival e-numan kit na may kasamang cocktail shaker, stirrer, jigger, cocktail recipes, at tig-iisang bote ng Kuwatro Kantos, GSM Blue Light Gin at GSM Premium Gin.

Ang G-Mix Nation Home Bar Kit ay mabibili sa mga piling supermarkets nationwide at sa online store na LazMart.

I-like at mag-subscribe sa G-Mix Nation YouTube channel para mapanood ang pinakabagong episodes tuwing Biyernes.

Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) ang largest selling gin company sa buong mundo at producer ng award-winning gin brands Ginebra San Miguel, GSM Blue, at GSM Premium Gin.

Samantala, marami namang naaliw sa Never Have I Ever vlog ng misis niyang si Jessy lalo na nang aminin ni Luis nag-cheat siya noon sa girlfriend.

Pero in-emphasized naman niyang nung high school pa ‘yun.

Kinumpisal din niyang mas pinili niya ang girlfriend kesa sa bestfriend niya noong si Anne Curtis. ‘Di ko pwedeng sabihin ang pangalan nung girl. Pero ang best friend ko is obviously si Anne (Curtis). Parang a while back parang hindi niya gusto ‘yung dini-date ko na ‘yun, parang sabi niya ‘Manzano, as long as dini-date mo ‘yon ‘di tayo mag-uusap,’” pag-alala ni Luis.

“Tapos ako nung time na ‘yon, may dini-date din siya. Sabi ko ‘di sige quits tayo, parang sabi ko you are not good for each other. Kung hindi kayo maghiwalay or stop seeing each other, hindi rin tayo mag-uusap. So may time na kami ni Anne ay hindi kami nag-uusap dahil hindi namin gusto ‘yung dini-date namin respectively,” natatawa pa niyang kuwento.

Mahusay na aktres, ‘di pa limot ang history ng makakatrabahong aktres sa mister

Hindi feel ng isang magaling na actress ang isang bagong pasok na character sa kanilang teleserye na matagal na sa ere.

Malalim ang back story ng actress na medyo imbyerna na katrabaho niya ang isa ring actress na minsang na-link sa kanyang mister.

But anyway, dahil kilalang professional, ayaw na lang daw mag-react violently ng mahusay na actress at handa nang makatrabaho ang actress na may history sa kanyang mister.

Ashley, biktima ng sariling ama sa #MPK

Muling magpapamalas ng kanyang husay sa pag-arte ang Legal Wives star na si Ashley Ortega sa all-new episode ng award-winning drama anthology na Magpakailanman ngayong Sabado, August 14, sa bago nitong timeslot at 7:15 p.m.

Bibigyang-buhay ni Ashley ang karakter ni Jessa, isang dalagang gagahasain ng kanyang sariling ama.

Magbabago ang tingin ni Jessa sa akala niya ay tila perpekto nilang pamilya nang malamang may ibang babae ang kanilang ama at nang paulit-ulit siyang gahasain nito.

Nang magsumbong siya sa kanyang ina ay hindi siya pinakinggan nito at natakot din siyang magsumbong sa mga awtoridad nang pagbantaan ng kanyang ama na papatayin silang mag-iina.

Naisipan ni Jessa na lumayas na lang ngunit hindi niya naisip na pagdaraanan din ng dalawang kapatid na babae ang sinapit niya sa kanilang ama.

Maliligtas pa ba niya ang dalawa niyang kapatid? Paano na nga ba matutuldukan ang kasamaan ng kanilang ama?

Pinamagatang Our Abusive Father – sa direksyon ni Jorron Lee Monroy - ngayong Sabado, 7:15pm sa GMA-7.

Show comments