Two weeks din pala sa New York si Heart Evangelista dahil may dalawang project itong gagawin doon.
Kasama na ang pictorial niya sa Vogue magazine at sa isang high-end brand ayon sa isang malapit sa actress.
Tapos na raw itong mag-taping sa Sorsogon para sa teleserye nila nina Richard Yap and Paolo Contis na I Left My Heart in Sorsogon. Mga eksena na lang daw sa Manila ang kailangan nilang gawin.
Anyway, marami nang nakaka-travel ng US kahit na nga mabilis ang pagkalat ng Delta variant.
Kahapon ay nag-post na rin si Ruffa Gutierrez na kausap si Sen. Manny Pacquiao na isang Cuban boxer na ang makakalaban, si Yordenis Ugas. “Ang pambansang kamao ng Pilipinas! Cheering for BOXING LEGEND Manny “Pacman”Pacquiao in Las Vegas next weekend. He is in excellent shape and will WIN! Thank you for arranging this @jinkeepacquiao. 8 days to go…woohooo! #August21 #PacquiaoVSUgas,” caption ni Ruffa sa kanyang post.
Yes, todo-bantay daw talaga si Jinkee ngayon sa laban ng mister na senador. Pati raw tickets, endorsements and commercials para sa nasabing laban nito next week ay mino-monitor na si Jinkee unlike before na hindi siya nakikialam ayon sa source.
Natuto na raw ito sa mga naunang laban ng mister lalo na ‘yung nangyari sa Malaysia kung saan nagkaroon ng malaking issue.