Umabot sa15 na Filipino filmmakers ang lumipad upang kumatawan sa bansa sa Locarno Film Festival sa Switzerland ngayong taon na nag-umpisa noong Agosto 4 at tatagal hanggang 14.
Sinalubong ng isa sa mga longest-running festival sa buong mundo na kilala bilang hub para sa auteur cinema ang Philippine delegation na binubuo ng 18 na filmmakers, na mayroong 15 onsite at tatlong lalahok sa online event.
Ipinakilala ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson at CEO Liza Diño ang Locarno delegates sa send-off press conference na hinanda ng ahensya kamakailan.
“For the past three years, the Locarno Film Festival created a focus section, a special spotlight on Southeast Asian countries and one of the Southeast Asian countries featured in this focus is the Philippines. We’ve been working with the Locarno Film Festival for the last three years to make sure that our Filipino filmmakers will create a presence, will be visible in the many events and activities within Locarno, and the films that are featured in the festival will also be showcased,” wika ni Diño sa kanyang opening remarks.
Nagkaroon naman ang PH filmmakers luncheon sa Philippine Embassy sa Switzerland para sa Philippine delegates.
Mula 2019 hanggang 2021, pinili ng Locarno na i-spotlight ang films at projects mula sa Mongolia and mga bansa sa Southeast Asia, katulad ng Laos, Thailand, Cambodia, Vietnam, Myanmar, Indonesia, Malaysia, at ang Pilipinas.
Ang Open Doors program ay binubuo ng Open Doors Hub, Open Doors Lab, at Open Doors Screenings.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Philippine participation sa ika-74 na Locarno Film Festival, bisitahin ang https://www.locarnofestival.ch/LFF/locarno-74.html.
Family History, tuloy pa rin ang pagti-trending!
Patuloy na pinupusuan ng mga manonood ang Family History – ang directorial debut film ni multi-awarded comedian and content creator Michael V. – matapos itong makasama sa Top 10 trending movies and series sa streaming platform na Netflix Philippines.
Una itong napanood sa mga sinehan taong 2019 at umani ito ng positive feedback mula sa viewers and critics. At ngayon nga ay available na rin ang pelikula sa Netflix Philippines.
Sa kanyang panayam sa 24 Oras, excited si Michael V. na mas marami pa ang makakapanood sa Family History dahil tiyak na magkakaroon daw ito ng panibagong kahulugan sa ngayon.
Kira, Yves, at Alexa bibida sa MMK
Sina Kira Balinger, Yves Flores, at Alexa Ilacad, ang pupukaw sa mga manonood sa kanilang pagganap bilang magkakapatid na hinarap ang sakit ng pagkakalugmok ng pamilya sa krimen sa isa na namang nakakaantig na episode ng MMK sa darating na Sabado (Agusto 14).
Wala pa sa hustong gulang sina Valerie (Alexa), Ali (Yves), at Cha (Kira), humarap na sila ng katakut-takot na pagsubok na dala ng pagkakakulong ng mga magulang at mga kapatid. Ginawa ng tatlo ang lahat para umiwas na masangkot sa paggamit at benta ng ilegal na droga sa kagustuhan na rin ng kanilang ina. Pinagpasa-pasahan ang magkakapatid pero matibay silang kumpait sa isa’t isa. Ngunit nasira ang kanilang planong mamuhay nang normal nang mawalay si Ali at maging kriminal. Nadagdagan pa ang kanilang problema nang mamatay ang ama at mabuntis si Valerie sa edad na 17.
Maituwid kaya ng tatlo ang kanilang nasirang landas?