Ex-gwapings na si Eric Fructuoso, magiging lolo na
Magiging lolo na ang former Gwapings member na si Eric Fructuoso sa edad na 44.
Buntis na ang fiancee ng kanyang panganay na si Frederick. Si Frederick ay anak ni Eric sa una niyang wife noong siya ay teenager pa lamang.
Sa isang video na pinost ni Eric via Instagram, nagbigay ng payo sa kanyang panganay tungkol sa pagiging isang asawa at ama. “Ikakasal ka na. Magkaka-baby ka na. Heto ha! based on experience lang, ha? Hindi ko sinasabing sundin mo, hindi ko sinasabing gayahin mo ako. Pero marami akong pagkakamaling ginawa, especially sa mommy mo, sa mga sumunod na... Ito ang payo ko sa ‘yo. Alagaan mo ‘yung asawa mo. Papakinggan mo siya, susundin mo siya.
“Huwag kang magpapadala sa temptation dahil, anak, sinasabi ko sa ‘yo, hanggang sa edad ko ngayon, tinatrabaho ako ng babae lagi. Hindi ko na-experience manligaw, anak, pero lagi akong tinatrabaho. Kaya alam mo ‘yon, minsan nauuto ako, nadadale. Wala, eh... marupok ako. Naniniwala pa ako. Kapag sinabing ‘I love you,’ ako naman ‘I love you rin.’
“So, ibig sabihin, be true to your wife. Love her, love her like there’s no tomorrow, and enjoy-in mo lang. Huwag kang magpapaniwala sa ibang babae, ha?”
Si Eric ang unang nagkaroon ng anak sa grupo nila noon nina Jomari Yllana at Mark Anthony Fernandez. Sumali naman noon si Frederick sa StarStruck Season 6 sa GMA noong 16-years old ito. Ka-batch niya ang winners na sina Migo Adecer at Klea Pineda.
Ngayon ay 21-years old na siya at magiging padre de pamilya na. May sama ng loob noon si Frederick sa kanyang ama dahil lumaki siya na hindi niya nakasama ito. Pero bumawi nang husto si Eric sa kanyang panganay noong nakaraang taon. Magkasama sila noong magkaroon ng lockdown at mas nakilala nila ang isa’t isa bilang father and son.
Indie direktor, DGA member na!
Miyembro na ng Directors Guild of America (DGA) ang Filipino filmmaker na si Marie Jamora.
Masayang ipinakita ni Jamora ang card na nagpapatunay na kasapi na siya sa world organization na may 18,000 members.
Naging opisyal na member si Jamora noong nakaraang July lamang. “For as long as I have been in love with television and film, it was a dream of mine to be a part of the DGA. You see the DGA in film credits and I know that many of my idols, from Steven Spielberg, Ava DuVernay, Christopher Nolan, and Steven Soderbergh, to name a few, are part of the guild. So it has been this forever dream of mine,” sey ni Jamora na nakilala sa kanyang 2012 critically-acclaimed indie film na Ang Nawawala (What Isn’t There) na bida sina Dominic Roco, Dawn Zulueta, Boboy Garovillo, Felix Roco, and Annicka Dolonius.
Nagsimula bilang director ng music videos at commercials si Jamora bago niya ipinasok ang paggawa ng pelikula. Kabilang sa mga nadirek niya sa music videos ay ang bandang Sandwich, Imago, Bamboo, Sponge Cola, Urbandub, Gary Valenciano, Itchyworms, at Eraserheads.
Noong 2013 ay lumipat sa Los Angeles si Jamora kung saan naging co-editor siya ng Showtime Earthquake comedy special, These Ain’t Jokes, and the documentary The Death of Superman Lives: What Happened? Sa LA na niya nakilalang ang kanyang husband na si Jason McLagan.
Dahil sa kanyang magandang credentials, napansin siya ng film director na si Ava DuVernay (Selma, A Wrinkle in Time) at ipinadirek niya kay Jamora ang sixth season ng series na Queen Sugar na eere na in September sa Oprah Winfrey Network (OWN).
Jennifer Aniston, umiiwas sa friends na ‘di bakunado
Nagdesisyon ang Friends star na si Jennifer Aniston na humiwalay sa mga kaibigan na ayaw magpabakuna laban sa COVID-19. Sey ng aktres sa interview niya with InStyle magazine: “There is still a large group of people who are anti-vaxxers or just don’t listen to the facts. I lost a few people who would not disclose if they have been vaccinated.”
Kahit na raw vaccinated siya, may malaking chance pa rin daw na ma-infect siya ng virus kung sasama siya sa mga taong hindi nagpabakuna.
- Latest