Filipiniana wedding ni Super Inggo umagaw ng atensyon, ex-beauty queen lumantad na preggy na
Ah kinasal na pala si Makisig ‘Super Inggo’ Morales sa Sidney, Australia.
Huling beses na napanood ang dating child actor sa Bagani starring Enrique Gil and Liza Soberano.
At beauty queen pala ang pinakasalan nito doon sa Australia, si Nicole Morales, at namumuhay sila doon nang simple at tahimik.
At kaya pinag-usapan ang kanilang kasal ay dahil sa theme nito, Filipiniana.
Sabi nga ni Makisig “Ako’y isang Pinoy, Sa puso’t diwa.”
Isa pang at least good news ay preggy na ang beauty queen (former Miss World Philippines) na si Katarina Rodriguez na ang ama ng dinadala ay si Niño Barbers, resort owner sa Siargao.
Bukod sa Miss World 2018, lumaban din siya sa Miss Intercontinental 2017.
Finalist din si Katarina sa Asia’s Next Top Model at ex niya si Javi Benitez, eldest ni former Cong. Albee Benitez ng Brightlight Productions.
Si Sue Ramirez naman ngayon ang karelasyon ngayon ni Javi.
- Latest