Nag-marathon ako watching Liam Neeson movies ha. ‘Yung Honest Thief at Made in Italy na parehong maganda.
Imagine mo na sa edad ni Liam Neeson believable pa rin ang action scenes niya.
At kahit meron na siyang edad at looking haggard and old, ang lakas pa rin ng sex appeal niya ha. Para siyang si Robert de Niro na magandang magbitaw ng dialogue, at dahil nga siguro sa built niya, parang kayang-kaya niyang talunin ang mga kalaban niya. At pasado pa rin sa fighting scenes.
Gusto ko si Liam kasi balitang mabait siya at very friendly sa fans niya. Marami rin siyang friends na Filipino sa Los Angeles kaya sikat siya sa Filipino crowd.
Dumalaw na rin siya minsan sa training ni Manny Pacquiao. Isa talaga siya sa favorite ko kahit gurang na siya, mula pa sa Taken series niya, hanga na ako sa kanya.
Now nadagdagan pa ang movies niya na type ko.
Hay naku, kasi gurang na ako, oldies na rin ang mga idol ko, hah hah.
Mga nagkakaedad, nagmi-mellow
Siguro totoo ‘yung kasabihan – people are said to mellow with age. ‘Pag nadagdagan ang edad mo, ‘pag medyo mature ka na, talagang iba na rin ang tingin at analyzation mo sa isang bagay. Mas matindi na rin ang comprehension mo, mas naiintindihan mo na ‘yung reading between the lines, hindi ka na sensitive masyado kahit pa nga medyo mas sentimental ka na.
Iyan kasi ang madalas kong mapansin, kahit pa sabihing mas masungit ‘pag tumanda na, mas meron ka pa rin control. Kahit pa nga umiinit ang ulo mo sa mga kapalpakang nakikita mo, medyo dahan-dahan pa rin ang galit mo.
‘Pag may maturity ka na, alam mo na rin na mas masakit ang salita kesa sa physical pain, kaya siguro sinasabi nila na pag matanda ka na, balat-sibuyas ka dahil madali ka na ngang masaktan sa mga naririnig mo. But because you are now mature, kontrolado mo pa rin ang galit mo.
Ang sarap sana ng buhay kung bata ka at meron ka nang wisdom ng isang adult, siguro less ang problema ng mundo. Kasi kahit ano pang sabihin, ‘pag edad 70 ka na, even if you look healthy and physically fit, iba na rin ang energy ng katawan mo. Feel mo na rin ‘yung oldness inside you, meron na ring nabawas sa vigor at fitness mo. Kaya nga konti na rin ang mga araw na pakikinabangan mo ‘yung mga eye opener na ngayon mo lang nakita at nadama. ‘Yung sasabihin mo, sayang sana noon ko pa ito nalaman. Sayang, sana noon ko pa ginawa. Sayang, konti na lang ang oras ko. Pero mas maganda na, kahit papaano, sa konting oras, hayan merong nabago sa iyo. Kahit sandali, na-reborn ka dahil may bago kang kaalaman.