May kumakalat ngayon na tsismis sa umpukan ng ilang staff na nasa lock- in taping. Ewan ko kung totoo, pero nagsisimula nang kumalat ang kuwento sa last taping day ng isang dramedy series na bago raw sila nag-pack up, nagkainuman daw ang ilang production staff.
Palihim daw ang inuman dahil bawal, pero nalasing na raw halos lahat at ewan ko lang kung dala ng sobrang kalasingan o pagkabagot na rin sa ilang linggong lock-in taping, napagtripan daw nitong bading ang isang tibo na humantong sa mahalay na gawain.
Lasing na lasing na raw sila at nanaig na ang pagkalalaki ni bading at siguro ang pagkababae na rin ni tibo. May nangyari sa kanilang dalawa, na hindi ko maisip kung paano naganap ang ‘di dapat mangyari. Parang comedy na isiping ginalaw ng staff na bading itong si staff na tibo.
Ang latest na nasagap namin, magpa-file raw ng complaint ang tibong staff - kasong rape laban sa bading na nakainuman niya.
Itong si tibo ay kamag-anak daw ng isang kilalang komedyante, at ewan ko lang kung nakapagsumbong siya roon.
Bea, umaming nakapag-isip-isip kaya inamin na si Dominic
Habang naka-quarantine pa si Bea Alonzo pagbalik ng bansa, nagpaunlak siya ng exclusive interview kay Nelson Canlas para sa GMA News at handa naman siyang pag-usapan na ang kanyang lovelife.
Nakikita nga naman sa posts nila ni Dominic Roque ang masasayang bonding nila sa Amerika, at ngayon ay handa na siyang i-open ito at aminin sa publikong in love siya uli at masaya siya. Ani Bea; “Alam ko na in the past months or weeks parang ang dami nang haka-haka about us, and then ano. It’s not like I was trying to hide it or ano. I think I was trying to be careful. Kasi given my past experience, siyempre gusto ko masiguro muna kung saan siya pupunta bago ko gawing official agad.
“Naisip ko rin parang we only live once and you know happiness is best when shared, and I want to share my happiness and I know that a lot of people have been part of my journey and parang almost everyone in this country knows my story and ther appreciate that they ‘re happy for me.
“Kasi nga parang naiintindihan nila kung saan ako nanggagaling, kung saan ako ngayon at kung saan ako gusto kong pumunta,” saad ng bagong Kapuso actress.
Nagpapasalamat naman siya na tinanggap siya ng publiko at marami ang masaya para sa kanila ni Dominic. “I’m very appreciative dun sa reactions. Pero siyempre mas nagma-matter kung ano ‘yung nararamdaman mo at kung ano yung totoo ang kung ano ang nangyayari sa buhay mo.
“As long as wala naman kayong sinasaktang tao, and you’re both happy and you’re both you know, decent and you want the best for each other, I think iyun yata ang pinakaimportante. And most importantly, as long as you respect each other, iyun ang natutunan ko.
“Minsan kasi especially given my experience, masyado akong careful. I’m afraid na magkamali in front of the public. Kasi, medyo… unang-una masakit siya. Pangalawa, nakakahiyang paulit-ulit na magkamali. Pero naisip ko rin naman, ganun ‘yung buhay eh.
“Parang naisip ko lang, eh ganun talaga ‘yung buhay. Minsan nagkakamali, bumabangon ka, and then you learned from your mistakes and then you moved on. Kung magkamali ka man ulit. At least, you tried,” dagdag niyang pahayag.
Wala pang maibabahagi si Bea tungkol sa gagawin niyang soap sa GMA 7. Gusto raw muna niyang ma-tour ang buong GMA sa guestings na gagawin niya sa iba’t ibang programa.
Pero ngayon pa lang ay may mga kumakalat nang si Alden Richards daw ang makaka-partner niya sa unang drama series na gagawin niya.
Iba-iba ang reaksyon dito. Mas gusto ng iba na mas okay na sa pelikula muna sila magsama, at ibang Kapuso actor naman ang ipa-partner sa kanya sa soap.