^

PSN Showbiz

Komedyante, ibinenta pati prinsipyo para magkadatung!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ang kuwentong ito ay naganap sa ibang bansa. Nagkaroon ng show ang isang grupo ng mga artista at isa du’n ay ang male personality na nagpakita ng tunay niyang ugali sa kanyang mga kasamahan.

Palibhasa’y maganda ang kanyang bokadura, napakinabangan ‘yun ng lalaking personalidad sa mga lugar na pinuntahan nila, panalung-panalo siya.

Kuwento ng aming source, “Naloloka sa kanya ang mga co-stars niya! Grabe siyang manghingi sa mga Pinoy na nakikilala nila. Panay-panay ang hingi niya ng mga pasalubong, kantiyaw siya nang kantiyaw sa mga Pinoy, may kakapalan talaga ang face value ng male personality na ‘yun!

“Imagine, hindi niya naman personal na kakilala ang mga kababayan natin, pero kayang-kaya niyang hingan ng mga pasalubong! Siya lang sa grupo ang gumawa ng ganu’n!” unang sultada ng aming impormante.

Kilalang-kilala ang nagpapatawang personalidad na ito sa pagiging langgam. Kung nasaan ang asukal ay nandu’n siya, sumisipsip para lang magkaroon siya ng raket.

Patuloy ng aming source, “Magaling siyang pumili ng kakaibiganin. Kung sino ang makapagbibigay sa kanya ng trabaho, du’n siya dumidikit! At hindi lang sa mga taga-showbiz siya ganu’n!

“Kahit sa mga pulitiko, basta alam niyang butas ang mga palad, du’n siya umiistambay! Kung nasaan ang kabuha­yan, go lang siya nang go, ganu’n siya katindi!a

“Basta datung na ang pinag-uusapan, call agad ang ko­medyanteng ‘yun! Di nga ba, kumandidato pa siya nu’n sa isang probinsiyang wala namang kinalaman sa buhay niya? Pero dahil may involved na datung, tumakbo siya! Kaso nga lang, Lotlot & Friends siya, talo!

“Pero okey lang sa kanya ‘yun, nagkadatung na siya! Naibenta na niya ang prinsipyo niya! Nakakaloka naman talaga siya!” kuwento pa ng aming source.

Nagtangkang makipaglapit ang male personality na ito sa isang sikat at mayamang TV host. Pero hindi siya naka-first base man lang.

Sabi ng aming source, “May nakapagsabi kasi du’n sa male TV host na sa talikuran, e, kung anu-ano ang sinasabi against sa kanya nu’ng komedyante! Sinisiraan niya ang TV host!

“Ayun, hindi siya nagtagumpay, hindi siya nakapasok sa balwarte ng mayaman at sikat na TV host, kaya naghanap na naman siya ng bagong kakaibiganin!

“Nauuna kasi ang angas niya, ni hindi pa nga siya bumibida, e, napakayabang na niya! Naku, hindi ko na pakakahabaan ang clue kung sino siya, short na lang, siya na nga ‘yun!” madiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

‘I’m not a saint, but definitely, I’m not an evil’ – Vilma

Naging panauhin namin ang Star For All Seasons sa Cristy Ferminute nu’ng Lunes nang hapon. Ganu’n pala ang mga Vilmanians, kapag guest ang kanilang idolo sa kahit anong programa ay sila mismo ang nagbibigay ng impormasyon sa kanilang mga kasamahan, kaya napakataas ng live views ng CFM.

Pati ang mga Vilmanians sa iba-ibang bansa ay tumututok, hindi pa nagsisimula ang aming interbyu kay Congresswoman Vilma Santos Recto ay nagte-text na sila, nagbigay sila ng panahon para muling mapanood ang kanilang nag-iisang idolo.

Sisenta’y siyete anyos na ngayon ang aktres-pulitiko, pero parang hindi siya nagkakaedad, napakalayo ng kanyang itsura sa kanyang mga kasabayang artista.

Pinanday na ng pulitika si Congresswoman Vilma Santos, kahit anong tanong ang ibato mo sa kanya, lalo na tungkol sa balitang pagtakbo niyang senador ay parang nagkukukot na lang siya ng butong-pakwan kapag sumagot.

Kabisado na niya ang lahat, wala na siyang hindi alam, ibinibigay niya ang kredito sa pagtutok niya sa mga nagaganap sa ating bayan at sa kanyang mentor-asawang si Senador Ralph Recto.

Napakahusay niyang magsalita, kapag nagbuka siya ang bibig ay parang nasa entablado na siya ng kampanya, malinaw niyang naitatawid kung bakit hindi pa siya handang sumabak sa mas mataas na posisyon.

Sa ganda ng kartada ng kanyang pangalan sa mundo ng pulitika na pinatunayan niya bilang mayor, gobernador at ngayo’y kongresista ay markado ang kanyang sinabi, “I’m not a saint, but definitely, I’m not an evil.”

Ibang-iba ang magiging takbo ng eleksiyon sa susunod na taon dahil pandemya. Bawal ang personal na pangangampanya, puro sa social media lang nakabangko ang labanan, bawal kumamay, bawal yumakap, bawal humalik ang mga botante.

“Mahirap! Paano ko maipararating sa pamamagitan ng social media lang ang aking plataporma kung sakaling tumakbo ako? At 67 na ako ngayon, kakayanin ko pa bang tumakbo sa mas mataas na posisyon?

“Mahirap ang sitwasyon ngayon, kahit ang mananalong pangulo, mahihirapang ibangon ang ating ekonomiya, nasa pandemya tayo na nagpapahirap sa ating bayan at sa buond mundo,” tuluy-tuloy niyang pahayag.

Hindi pinalalakas ng kanyang loob ang katotohanang sikat siya kaya nakakahon na ang kanyang tagumpay. Kontra siya sa ganu’ng ideya.

Para kay Congresswoman Vilma Santos Recto ay mas pinakamahalaga pa rin ang kapasidad sa paglilingkod sa ating mga kababayan.

Resibo pa rin ang kailangan.                                                                                                                 

KOMEDYANTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with