Isang matinding leksiyon ng buhay ang natutuhan ng isang kilalang female personality ng radyo. Nu’ng kasagsagan ng kanyang karera ay napakarami niyang natulungan.
Bukas ang kanyang palad sa pagtulong sa kanyang mga kasamahan sa trabaho, kahit sinong nangangailangan ay walang pagdadalawang-isip niyang inaayudahan, hindi siya naghihintay ng kabayaran.
Pero umiikot ang gulong ng buhay, matindi ang naging ambisyon ng female radio personality, nangarap siyang magkaroon ng sarili niyang istasyon.
Kuwento ng aming source, “Matindi ang naging problema niya, kinapos siya sa capital, napakarami pa palang kaila-ngang pagkagastusan na hindi niya inaasahan.
“Naubos ang pera niya, nakapangutang pa siya, meron siyang hinihintay na halagang magtatakip sa mga pinagkakautangan niya pero sobrang tagal na niyang naghihintay pero wala pa rin,” umpisang kuwento ng aming impormante.
Napakasakit para sa lady radio personality ang katotohanan ng buhay na bumulaga sa kanya ngayong siya naman ang nangangailangan ng tulong.
Patuloy ng aming source, “Walang tumutulong sa kanya, kahit ‘yung mga kasamahan niyang milyones ang inutang sa kanya nu’n ay napakatagal bago siya nabayaran, wala!
“Ang masakit pa, e, para siyang iniiwasan ng mga taong dati, e, siya ang palaging tinatakbuhan pagdating sa problemang pinansiyal!
“At hindi na nga siya tinutulungan, e, sinisiraan pa siya ngayon ng mga taong dating nanagana nu’ng napakarami niyang datung!
“Nakakaawa siya dahil nu’ng siya ang meron, e, parang gripo ang mga palad niya sa pagtulong. Ngayong wala na siya, kahit hi at hello lang, hindi man lang siya maalala ng mga taong ‘yun!
“Nauntog sa katotohanan ang girl na ganu’n pala ang buhay. Kapag marami kang pera, e, napakaraming langgam sa paligid mo, pero kapag wala nang laman ang iyong kaban, iniiwasan ka na!
“Hay, naku! Hindi pa naman tapos ang kinasasadlakan niyang scenario, meron pang pagkakataong makabangon siya, hinihintay na lang niya ang pagkakataong ‘yun.
“Babangon uli ang action lady ng radyo, at sa kanyang pagbangon at pagbabalik, kilalang-kilala na niya kung sinu-sino ang tunay na kaibigan niya,” pagtatapos ng aming impormante.
Ubos!
Wowowin, mag-iikot sa mga walang ECQ para mamigay ng premyo
Bukas ay simula na ng ECQ. Balik na naman ang NCR at iba pang mga probinsiya sa dati nu’ng kaitaasan ng numero ng mga nagkakasakit ng COVID-19.
Marami na namang bawal-bawal. May mga mawawalan ng trabaho, lalaganap na naman ang kahirapan, sapul din ng ECQ ang mundo ng mga artista.
May mga taping na pinatigil na. Ang Wowowin-Tutok To Win ni Willie Revillame ay hindi mahihinto ang pagsahimpapawid pero kailangang humanap ang produksiyon ng mga lugar na hindi sakop ng ECQ.
Magso-show si Willie sa iba-ibang probinsiya, napakalaking trabaho nu’n dahil bibitbitin nila ang lahat ng mga equipment para sa kanilang live broadcast-airing.
Sabi ni Willie, “Nakipag-meeting na kami sa IATF, nakiusap kami na hindi puwedeng mahinto ang airing ng show, lalo na ngayong maraming apektado sa bagong declaration ng ECQ.
“Para sa mga kababayan natin ito, hindi lang para sa amin, kailangang tuluy-tuloy ang tulong na puwedeng ibigay ng Wowowin. So, ang mangyayari, magso-show kami sa mga lugar na hindi sakop ng ECQ.
“Hindi baleng mahirapan kami, basta hindi lang mahinto ang pagbibigay ng tulong ng show para sa mga kababayan natin,” sinserong pahayag ni Willie.
Kung tutuusin ay puwede namang ipagpahinga na lang ni Willie ang dalawang linggong sakop ng ECQ. Puwede siyang magpunta sa kanyang beach house sa Mindoro, puwede rin siyang maglagi na lang muna sa kanyang mansiyon sa Iruhin sa Tagaytay, pero ang kapakanan ng mga kababayan nating kapuspalad ang kanyang iniintindi.
Napakalaking tulong para sa kanyang mga tinatawagan sa show ang dalawampung libong pisong ipinamamahagi niya araw-araw, meron pa siyang isang milyong papremyong ibinibigay ng kanyang sponsor, kayamanan nang itinutu-ring ‘yun ng mga kababayan nating walang pinagkakakitaan ngayon pandemya.
Walang dapat ipag-alala ang mga tagasuporta ni Willie, hindi titigil ang kanyang programa ngayong ECQ, kailangan lang nilang magpalipat-lipat ng lugar para ligtas ang mga production people at bilang pagsunod na rin sa mga health protocols na pinaiiral ng IATF.
Pahabol ni Willie, “Konting sakripisyo lang ito para sa amin, pero maraming kababayan nating walang-wala ang matutulungan namin. Para sa kanila itong gagawin namin.”