Hidilyn, hitsurang Ms. Universe ang biyaya

Hidilyn at Julius
STAR/ File

Dahil madalas na akong manood ng TV, napansin kong mabuti ang mga mukha nina Hidilyn Diaz at Nesthy Petacio. At sa closeup shots, ang ganda ng mga mukha nila, hindi tulad ng mga madalas lumabas na photos na para bang manly looking sila. Dahil nga siguro pang-men ang sports nila na boxing at weightlifting kaya parang iyon na ang projection nila, masculine. Pero sa closeup kita mo ang feminine charms nina Hidilyn at Nesthy.

Naalala ko nga si Nam Joo-hyuk sa Weightlifting Fairy dahil may line siya doon na sexy ang tingin niya sa mga babae na strong at maskulado. Na being an athlete himself, mas malakas ang dating sa kanya ng mga babae na nasa sports din.

Alam mo kung bakit pumasok iyon sa isip ko, Salve? Kasi nga lately ang dami nang nagki-question sa BF ni Hidilyn. Bakit? Wala bang karapatang magkagusto sa isang Hidilyn Diaz? Eh ano kung weightlifter siya, maskulado, babae pa rin siya ‘di bah? Saka noong naging GF naman siya, wala pang gold medal, wala pa iyang mga promise na millions at mga regalo.

Kaloka talaga ang tao, para bang lahat ng bagay dapat salihan, lovelife iyon ni Hidilyn, buhay niya, siya lang ang puwedeng magpasya roon. Naku panoorin n’yo na lang ang Weightlifting Fairy, malalaman n’yo kung bakit merong mga lalaki na talagang ang gusto ang mga babae na hindi feminine, mas gusto ‘yung panlaban sa gold tulad nina Hidilyn at Nesthy. Hindi nga kayo kamukha ni Nam Joo-hyuk, mapanghusga pa kayo.

Siguro inggit lang kayo sa boyfriend ni Hidilyn, at hate n’yo na meron nang gold at millions si Hidilyn, meron pang boyfriend. Sobrang biyaya ‘di ba? May ginto na, pera, lovelife pa, grabe naman iyan, parang sinalo na ang lahat ng biyaya ng langit. Hitsura ng Miss Universe.

TIPMMG, pahinga sa ECQ

Tuesday na naman kahapon, Salve. Pero medyo sad dahil next week, wala na naman tayo dahil sa Q na magaganap. Parang season breaker ng Take It… Per Minute Me Ganun (TIPMMG) dahil ‘pag merong Q, wala tayong show dahil mahigpit ang health protocols. Nakaka-miss din ‘yung 12 to 1 ng hapon sa Facebook at YouTube ng Pilipino Star NGAYON na nakakasama natin ang followers natin, pero wala tayong magawa kasi nga, kailangan ang mga ganung hakbang para hindi tayo maloka sa rami ng kaso at magkakasakit dahil sa pagdami ng kaso ng Delta variant.

Well, nganga na naman ang marami sa showbiz dahil dito, hinto muna ang taping lalo na kung ang location mo doon sa mahigpit na lugar. Hinto na naman sandali ang sana pa unti-unti ng pagbabalik ng konting audience sa mga live show.

Wala na talagang magagawa, seryoso na ang panahon. Konting ingat pa. Konti pang higpit. Sana sandali na lang dahil sakit ng ulo na ang trabaho at nawawalang kita sa maraming tao.

Salamat nga pala sa mga tumutok sa amin kahapon at sa Beautederm na nag-sponsor sa aming programa.

Ang ganda ng mga bago nilang produkto lalo na ‘yung pang-straight ng hair na wireless.

Thank you, Rei Tan, and happy 12th anniversary, Beautederm.

Show comments