Ate Vi, minahal na ang pulitika

Ate Vi.

Ang galing naman na magpapalit puwesto pala sa darating na eleksiyon sina Ralph Recto at Vilma Santos.

Totoo pala ‘yung una nating nasagap na balita, Salve, na sa Senado na tatakbo si Vilma Santos at sa Congress naman si Ralph Recto.

Suwerte talaga ng Batangas dahil tutok sa progress ng bayan ang mag-asawang Recto.

Talagang mula nang pumasok sa pulitika si Ate Vi hindi na niya ito maiwan, napamahal na sa kanya, nasanay na siya at nagustuhan na niya ang public service.

Ang masarap kay Vilma, ‘yung linya niya sa showbiz hindi niya pinutol. Ganun pa rin niya kamahal ang lahat ng nakasama niya sa industriya, kaya naman lahat sa showbiz mahal na mahal siya at natutuwa sa tagumpay niya sa bago niyang mundo, ang politics.

Magandang addition sa Senado si Ate Vi.

Tiyak with open arms na tatanggapin siya ng mga daratnan niyang Senador, Sen. Vilma Santos, welcome!

Maine, paborito pa rin ng advertisers

May bago palang endorsement si Maine Mendoza. ‘Yung Smart’s GigaPay na napakadaling i-pangshopping at parang digital wallet lang ang peg.

Hahaha.

Talagang mahal pa rin ng advertisers si Maine dahil ang dami pa rin niyang endorsement, at tulad nga nitong bagong Smart’s GigaPay na talagang naniniwala na malakas pa rin ang hatak ni Maine pagdating sa consumers.

Itong Smart’s GigaPay ang talagang pinakamadali sa lahat ng money transfer dahil puwede mong gamitin ang mismong phone mo para sa transactions.

At hindi tulad ng iba na lalabas ka pa ng bahay para i-place ang iyong order, dito sa telepono lang, any place, anywhere. Very convenient at very practical hindi ba?

Show comments