^

PSN Showbiz

Hidilyn, itutulong sa simbahan ang ibang matatanggap na pera!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Hidilyn, itutulong sa simbahan ang ibang matatanggap na pera!
Hidilyn Diaz.

Dumating na kahapon ng hapon ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz mula sa tagumpay niya sa Tokyo Olympics 2020. Kagaya ng mga pasaherong dumarating galing sa ibang bansa, kailangang sundin ni Hidilyn at ng mga kasama nito na i-quarantine ng pito hanggang 10 araw.

Sabi sa amin ng business manager ni Hidilyn na si Noel Ferrer, may mga nagsabi na raw sa kanya tungkol sa gagawing hero’s welcome, pero hindi pa raw muna ngayon. “Hindi pa naman tapos ang Olympics. I think we have to do it until matapos ang lahat. Kasi parang ano naman…malay mo baka may magka-gold pa ‘di ba?” pakli ni Noel nang makatsikahan namin sa DZRH noong nakaraang Martes ng gabi.

Ang isa sa pinag-uusapan ngayon ay ang pabu­yang matatanggap ni Hidilyn dahil sa pagkasungkit niya ng gold medal sa Olympics. Napapabalitang aabot ng P35M ang matatanggap niya, kaya gusto nang malaman ng lahat kung ano ang gagawin niya sa perang matatanggap. Napag-usapan na raw nila ni Hidilyn ‘yan sabi sa amin ni Noel.

Bilang isang sagradong Katoliko si Hidilyn, at ina-acknowledge niyang ang Panginoong Diyos ang nagbigay sa kanya ng lakas na na-break niya ang record sa Olympics, susundin daw niya ang tinatawag nating ‘tithing’ o ikapu ang tawag ng iba.

Ibibigay daw niya sa simbahan o gusto niyang tulungan ng ilang bahagi na matatanggap niya.

Tumawag na nga raw si Mr. Ramon S. Ang kay Noel para ayusin na ang ipinangako nilang sampung milyong piso. Sila na raw ang mag-aayos ng ibibigay sa gusto niyang tulungan. Kasi naiisip na raw ni Hidilyn na magbibigay siya sa gusto niyang tulungan sa Zamboanga at dito rin sa Metro Manila.

Ang inaasahan lang daw ng buong grupo ng ating gold medalist na sana maibigay ang lahat na ipinangakong pabuya. Hindi raw sana mangyari sa Silver medalist na si Onyok Velasco na hindi naman naibigay ang lahat na ipinangako.

Nabanggit ding taxable ang perang ibibigay kay Hidilyn, kaya may mga nagprisinta na raw na sports tax lawyers para ayusin ang mga babayarang tax.

Sinabi naman ni Hidilyn na gusto pa rin niyang sumali sa susunod na Olympics sa 2024, pero nandiyan na ang posibilidad na baka mag-asawa na sila ng boyfriend niya at coach na rin na si Julius Naranjo. Maaaring mag-focus na rin siya sa pagbibigay ng training sa mga kabataang nahihilig sa weightlifting.

Pero sa ngayon ay gusto lang daw muna ni Hidilyn na makasama ang kanyang pamilya na isang taon niyang hindi nakikita dahil sa pagtutok niya sa training.

Claire,pinu-push ng GMA

Simula sa August 2, Lunes ay mauurong na ang timeslot ng Dalawang Ikaw nina Ken Chan at Rita Da­niela. Pagkatapos ng Eat Bulaga ay mauuna na sa afternoon prime ang bagong drama series na Nagbabagang Luha. Tampok dito sina Glaiza de Castro, Rayver Cruz, Mike Tan at ang bagong Kapuso actress na si Claire Castro.

Ang laking break nito kay Claire na mukhang ginu-groom as sexy actress dahil sa trailer pa lang ay lumutang na ang kaseksihan nito. Si Claire ang anak nina Diego Castro at Raven Villanueva, pero matagal na raw silang hindi nagkikita ng kanyang ina.

Si Diego ang nagma-manage sa kanya sa tulong ng GMA Artist Center.

Mukhang may ibubuga si Claire lalo na’t sa kanya ipinagkatiwala ang role dati ni Alice Dixson sa pelikulang ito. “Challenge po talaga sa akin ang role na ito, very daring, very sexy po. Medyo opposite po sa akin, pero challenging naman,” pakli ni Claire.

Thankful naman siya sa mga co-stars niya dahil willing naman daw silang turuan siya.

Hindi lang daw niya maiwasang kabahan nang nakakaeksena si direk Gina Alajar. “Kay direk Gina po ako talaga pinaka na-starstruck. “Medyo nahiya po ako kasi ang vibes po niya talaga iba,” napapangiti niyang pahayag.

HIDILYN DIAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with