^

PSN Showbiz

Tenement 66 ipapalabas na worldwide

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Tenement 66 ipapalabas na worldwide
Francine
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pagkatapos ipalabas sa Bucheon International Fantastic Film Festival sa South Korea, magpapakilabot na rin sa buong mundo ang kwento tungkol sa tatlong batang magnanakaw sa suspense thriller na Tenement 66 ngayong Hulyo 23 sa iWantTFC, KTX.ph, at TFC IPTV. Magiging available din ito sa Pilipinas sa SKY Pay-Per-View at Cignal Cable Pay-Per-View.

Isang malagim na lihim ang matutuklasan ng tatlong teenagers na sina Francis Magundayao, Noel Comia Jr., at Francine Diaz sa Tenement 66 ng award-winning direktor na si Rae Red.

Malalagay sa panganib ang buhay ni Lea (Francine) pagkatapos niyang kumbinsihin sina Teban (Francis) at Ron-Ron (Noel) na pasukin at nakawan ang apartment unit ng kahina-hinala nilang kapitbahay na si Nando (Lou Veloso), matapos niya itong mahuling magnakaw ng malaking halaga ng pera.

Hindi agad pumayag ang dating kriminal na si Teban sa alok ni Lea dahil nangako na siyang magbabagong buhay pagkatapos niyang makalaya sa bilangguan. Ngunit dahil biglang nangailangan ng pera para matustusan ang panggagamot ng kapatid niyang may malubhang sakit, mapipilitan ding sumama ni Teban sa krimen.

Sa pagpasok nina Lea, Teban, at Ron-Ron sa unit, sasalubungin din sila ng mga nakakapangilabot na kababalaghan at masalimuot na sikreto na matagal nang itinatago ni Tatay Nando, na gagawin din silang hostage.

Makaalis pa kaya nang buhay sina Lea, Teban, at Ron-Ron?

Ang Tenement 66 ay isang iWantTFC original movie sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment at Epic Media. Tampok din sa pelikula sina Jess Mendoza, Topper Fabregas, Raffy Tejada, Martha Comia, at Ross Pesigan.

KTX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with