Andrea, handa na uling ma-inlove
Finally, matutuloy na rin ang airing sa GMA Telebabad ng Legal Wives sa July 26 na mahirap ang pinagdaanan. Dalawang beses naudlot ang airing dahil sa problema sa lock-in taping at nagkaroon pa ng isyu kay Cherie Gil. Pero natapos din nila, at kamakailan lang.
Naka-text ko nga si Andrea Torres nung pag-uwi niya na halos isang araw talaga siyang natulog at nagpahinga dahil sa pagod sa taping. Pero worth it naman daw, lalo na’t naging close na silang lahat na cast sa malaking proyektong ito. “Ang ganda lang ng samahan namin sa set. Sobrang gaan po talaga. Kaya nung nag-end na medyo na-senti kami kasi magkakasundo kaming lahat talaga eh. Very positive ‘yung energy sa set.
“So, naging family talaga. Kaya nagpaplano nga kami na…kasi sabi namin iba pala nitong time ng pandemic, kapag na-pack up na kayo ng last taping day, iba ‘yung sa dati na may thanksgiving party, magkakasama pa rin kayo. Ngayon, ano na eh, mapi-feel mo talaga na tahimik, isa-isa na kailangan nang umuwi kasi social distancing ganyan,” pahayag ni Andrea sa virtual mediacon niya noong Biyernes pagkatapos pumirma ng renewal ng kontrata sa GMA 7.
Tamang-tama rin namang pagdating nung Legal Wives ay iyon din ang panahong kailangan nang mag-move on ni Andrea sa pinagdaanan ng lovelife niya. “Sobrang blessed ko nga talaga…sabi ko nga, thank you thank you talaga, kasi umaayon din po talaga lahat. Lahat ng mga nangyayari sa life ko. Kahit ngayon, parang nakikita ko ‘yung timing niya, ang ganda ng timing niya na parang ngayon very busy kami ngayon sa iba’t-ibang projects.
“Ang sarap kasi, lagi akong inspired. Lagi akong masaya. Ang work naman talaga sa akin ano eh… ang laki ng bigat ng work sa akin eh,” saad pa ni Andrea na mas maganda ngayon at lalong sumeksing aktres.
Malaking bagay din daw ang suporta ng pamilya niya at mga kaibigan, pati ang mga nasa movie press na nirespeto ang pananahimik niya.
Bahagi na rin ng pag-move on ang pagpapatawad, at sabi naman niya sa paggising daw niya sa umaga, mga positibong bagay na raw ang iniisip niya at hindi na ini-entertain ang negativity.
Ang maganda pa roon ay welcome na rin kay Andrea ang pumasok sa panibagong relasyon.
Kung sakaling may magparamdam, bukas daw siya sa posibilidad na makipag-date. “Oo naman po. Siyempre naman dapat may time din for that ‘di ba? Pag binigay, why not,” napapangiti niyang pahayag.
Jessica, mabilis ang pag-angat ng career
Final week na pala next week ng online audition ng Season 4 ng The Clash.
Sa mga interesadong sumali ay buksan lang ang website ng The Clash Season 4 Online Auditions, at doon n’yo i-submit ang audition entry n’yo.
Bale hanggang July 23 na ang last day ng submission ng audition entry.
Ang laki nga ng nagawa sa buhay ng recent champion nito na si Jessica Villarubin na tuluy-tuloy na ang pag-alagwa ng kanyang singing career.
Bukod sa regular niyang biritan sa Queendom segment ng All-Out Sundays, siya rin ang napiling kumanta ng theme song ng Nagbabagang Luha.
Kaya overwhelmed daw siya sa mabilis na improvement ng kanyang singing career. “Hindi pa nga po ako one year, pero ang dami na pong nangyari sa career ko. Kaya super grateful po ako,” pakli ni Jessica nang makatsikahan namin sa contract signing niya sa GMA Artist Center kamakailan lang.
Ang payo lang ni Jessica sa mga gustong sumali sa The Clash, “Always do your best. EveryVtime na sasabak ka, isipin mo na last performance mo na yan. Kaya ibigay mo talaga ang pagpi-perform mo, and always pray po,” pakli niya.
- Latest