Catriona, may presyo ang pagtuturo sa magiging Queen

MANILA, Philippines — May invitation si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa publiko na sumali sila sa kanyang How To Be A Queen course sa online platform na Nas Academy.

Ayon kay Queen Cat, bukas na for pre-enrollment para sa naturang kurso.

In How to be a Queen, tuturuan ni Catriona ang participants in “how to build their self-confidence, deal with anxiety and self-doubt, prepare for major presentations, and handle criticism and rejection with poise.”

May presyo ang course na P1,900, has 500 slots. Sa mga makakapag-enroll bago ang launch sa July 31, magkakaroon sila ng VIP launch party kasama si Queen Cat at ang Nas Academy founder Nusseir Yassin.

Bukod sa How To Be A Queen course ni Catriona, ang iba pang kurso ng Nas Academy ay mula kay Dubai-based fashion designer Michael Cinco, food content creator Erwan Heussaff, and singer Moira dela Torre.

Show comments