Kyle, malaki ang naitulong sa pagiging tatay ni Markus

Kyle Echarri
STAR/ File

Malapit na magkaibigan sina Kyle Echarri at Markus Paterson. Ayon sa huli ay isa si Kyle sa mga unang nakaalam na isa na siyang ganap na ama. Malaking tulong rin umano si Kyle sa kaibigan sa pagiging tatay nito. “Ang laki ng tulong ni Kyle actually because obviously, emotionally at a young age becoming a father, it’s a struggle. You don’t know who to turn to. You don’t know who to talk to because you are experiencing this for the first time. Noong time na ito, wala akong ibang kausap lagi kung hindi si Kyle lang. So nandiyan siya palagi para may kausap ako. Sobrang malaking tulong siya para sa mental health ko at para sa pagiging motivated ko as a father,” paliwanag ni Markus.

Para naman kay Kyle ay nakikita niyang masayang-masaya ngayon ang estado ng buhay ni Markus at kasama ang anak at kasintahan.

Matatandaang Oktubre noong isang taon nang ipanganak ni Janella Salvador ang kanilang supling na si Jude.  “I’ve never seen him so in love with something that he is doing or someone. Sobrang mahal niya si Janella, alam ko ‘yon, pero he’s not just in love with Jude but the fact that he gets to be the dad of Jude. Sobrang mahal niya ang ginagawa niya bilang tatay. He wants to grow old being very hands on with Jude and sobrang kita ko po sa kanya ‘yon,” pagbabahagi ni Kyle.

Xian, humihingi ng suhestiyon para sa kanyang podcast

Kamakailan ay nagsimula na si Xian Lim sa pagti-TikTok. Ngayon ay halos nasa 260,000 na ang followers ng aktor sa kanyang @awkwardchinito account. Pagkatapos sumabak sa paggawa ng TikTok videos ay susubukan naman ngayon ng binata ang paggawa ng podcast. “I’ve been working on something for the past couple of months now. And I’m very excited to share it with you. You guys gotta stay tuned at mapapakinggan n’yo ito. Malapit na malapit na, this is personal project of mine and I hope you guys can support it,” paglalahad ni Xian.

Ngayon pa lamang ay humihingi na ng suhestiyon ang aktor mula sa kanyang mga tagahanga kung ano ang gustong mga talakayin o pag-usapan sa podcast. “We’re going to be talking about a lot of things. So be sure to comment on Twitter, Instagram, send me a message. If you guys want to ask me about anything, personal questions, topics about relationships, we’re gonna have that in this podcast. Be sure to tune in,” pahayag ng binata. (Reports from JCC)

Show comments