Paolo Gumabao, 15 years old na nang makilala ang amang si Dennis Roldan
Hindi lang basta magpapainit ng dugo sa katawan ang pelikulang Lockdown kundi ipaparamdam dito ang totoong nagaganap sa kasalukuyan – starring Paulo Gumabao, written by Troy Espiritu and directed by film master Joel Lamangan.
Ito ang in-emphasize ni Direk Joel kahapon sa ginanap na media conference.
Nauna na itong tumanggap ng praises and raves mula sa cinema aficionados and critics pagkatapos nitong magkaroon ng special screening recently.
“The theme of the film is about a person’s choice in times of desperation, which was heightened because of the pandemic situation,” banggit ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Diño-Seguerra.
Ayon naman kay Quezon City Mayor Joy Belmonte : “It is a brave, daring, courageous movie… It’s a movie that talks reality, and for me, tama lang. Panahon na para magbigay naman ng ganitong pelikula sa ating mamamayang Pilipino para umunlad din ang kanilang pag-iisip… Film is one way in which we can enrich ourselves and our personas. Enrich our brains, enrich our hearts.”
Maging ang mga kilalang critic-writer na sina tito Mario Bautista and tito Pablo Tariman, ay napuri ang pelikula.
“It tells the sad but true plight of our poor kababayans who are the hardest hit in this lockdown and have no choice but to make ‘kapit sa patalim’”, say ni tito Mario.
Hirit naman ni tito Pablo : “The latest Lamangan film is by turns poignantly moving and shocking. It is a standout film in this time of pandemic. It is by turns depressing and shocking, but it is the truth. Whether we like it or not, the film is about lowlifes during the era of COVID-19.”
Gagampanan ni Paolo sa Lockdown ang character ni Danny Asuncion na bumalik ng bansa bilang OFW, pero dahil sa hirap ng buhay dahil sa COVID-19 pandemic, reluctantly, pumasok siya sa mundo ng cybersex performing.
“Lockdown will be an eye-opener for those who look down on people who are forced to sell their bodies for a living,” ani Paolo na isa sa mga bagong alaga ng Star Magic.
“Don’t just judge them kasi hindi n’yo naman alam ang pinagdaraanan nila. Mahirap talaga ang buhay ngayon due to the lockdown. Maraming walang trabaho. Like my character Danny, he’s pushed against the wall, sarili namang katawan niya ang binebenta niya, hindi naman siya nanghoholdap o nananakit ng ibang tao…
“So huwag n’yo silang basta huhusgahan, as you don’t really know them. So, people should watch Lockdown kasi lahat ng ipinakita rito is a reflection of reality, kung ano talaga ang nangyayari ngayon sa totoong buhay,” dagdag ng aktor na hindi aware noong bata na ang kanyang tatay pala ay ang aktor na si Dennis Roldan na common knowledge na kasalukuyang nasa piitan.
Fifteen years old na siya nang makilala si Dennis.
“Iyong stepfather ko na yung nag-alaga sa akin nang ipanganak ako and when I reached one year old, noong naayos na nila ang papeles ko, napalitan na ‘yung apelyido ko into Chen at lumipat kami sa Taiwan,” pag-alala ni Paolo.
Sa Taiwan siya lumaki at nag-aral sa Chinese school kaya Mandarin ang naging first language niya.
Hanggang noong 13 years old siya, umuwi siya ng Pilipinas at nag-aral sa Virac, Catanduanes at nang lumipat lang sila sa Manila nalaman niya na ang kinalakihan niya palang ama ay stepfather niya lang.
He was fifteen nang makausap niya ito (Dennis) sa phone matapos niyang hingin ang number nito sa isang old friend ng kanyang mommy na nakita nila sa gym.
At pagtawag niya sa aktor na laya pa that time, tinanong daw siya nito kung sino ang kanyang ina. “Sinong nanay mo?’ Sabi ko, ‘Sheryl po. Sheryl Sorreta.’ ‘Ahh, hindi ko maalala, e. Tagasaan ka ba?’ ‘Taga-Ortigas po ako.’
“Ahh, talaga? Andito ako sa Home Depot ngayon, sa tapat ng Meralco. Kita tayo. Wala pa akong kotse noon. Tinakbo ko talaga. Wala pa akong pera for taxi. Kaya tinakbo ko talaga all the way to Home Depot. Pagdating ko doon, tinawagan ko. ‘O, andito ako sa Aisle 7, ganoon.’ Punta ako sa Aisle 7,” pagkukuwento pa ng baguhang aktor.
Siya pa raw ang nagbanggit kung hindi na ba kailangan ng DNA test, pero sabi raw ni Dennis na hindi na kailangan, “Anak kita.”
Ngayon ay maayos na rin ang relasyon niya sa kanyang half siblings na sina Marco and Michelle Gumabao.
Happy din siya sa takbo ng career niya at ever since na bata raw siya ay pangarap na niyang maging aktor, wala pa man siyang idea noon na tatay niya si Dennis.
And, going back to lockdown. Ayon kay Direk Joel, umaasa siyang maiintindihan ng tama ng manonood ang mensahe ng kanilang pelikula na hindi lang basta laswaan at landian.
“What the movie is saying is that in the troubled times that we are all in, it is always safe to follow strict protocols to avoid unnecessary transmission of the virus. Ang taong gipit na gipit sa buhay, kahit na anong uri ng pagkakakitaan ay gagawin, makatulong lang sa pamilya, kahit ang kabayaran ay ang kanyang dignidad bilang tao.”
Also included in the film are Alan Paule, Max Eigenmann, Ruby Ruiz, Jess Evardone, Paul Jake Paule, Angellie Sanoy, and Jim Pebanco.
Rounding up the cast are Jeff Carpio, Neil Suarez, Kristian Allene, Dincent Lujero, Mauro Salas, Alexis Yasuda, and Sean de Guzman.
Executive producer is Jojo Barron.
Produced by For the Love of Art Film, Lockdown is officially competing in the Barcelona International Film Festival come November 2021.
The uncut version of Lockdown is streaming worldwide on July 23, 2021 through KTX.ph, Upstream.ph, RAD (iamrad.app), and WeTV.
Online tickets of the most controversial movie of the year are already available sa mga nabanggit na streaming platforms.
- Latest