Maraming producer wala nang interes gumawa ng pelikula?!

Bea at Alden
STAR/ File

Maraming producer wala nang interes gumawa ng pelikula?!

Scary naman ‘yung isipin na para bang wala kabali-balita na ginagawang pelikula o sinisimulang i-shoot.

Kahit pa nga ‘yung isang pagtatambalan nina Alden Richards at Bea Alonzo na matagal ding naging dream project ng showbiz hindi muna sinimulan dahil nga sa wala pang balita kung kelan magbubukas ang mga sinehan. Scary dahil din sa pahayag ng airline industry na baka middle of 2023 pa makabawi ang travel industry.

Bongga naman talaga ni COVID-19 na huminto ang takbo ng lahat dahil sa kanya. Very scary nga, dahil talagang hindi natin akalain na ang showbiz na kahit anong mangyari usually nagsu-survive dahil para ngang different world siya sa ibang negosyo. Mabuti na nga lang at magaganda ang replay sa TV, at kaya siguro nagustuhan ng marami dahil ngayon lang nabigyan ng pansin, hindi gaya noon na sunud-sunod ang mga bagong serye at pelikula kaya ang dami mong choices. Pero tiyak babawi rin tayo, except kung naging habit na rin ng marami ‘yung hindi panonood ng sine sa movie houses, ‘yung hindi paglabas-labas, magiging malaking step na naman para maengganyo ang moviegoers to go back to cinema. At dapat magkaroon na naman ng exciting personality na titilian ng lahat. Bagong lifestyle, bagong buhay after the pandemic.

Gardo, paboritong endorser

Type pala ni Gardo Versoza ang Excel Bright ni Dawn Salvador na ang endorser ay si Lorna Tolentino. Sabi ni Gardo, mahusay daw ang produkto ng Excel Bright dahil maganda sa kamay, iyon daw kasing ibang product  madalas matapang sa balat.

Kaya sabi ni Dawn Salvador, next time kukunin na niyang isa sa endorser si Gardo dahil ang lakas daw nito sa Instagram at Facebook, plus masipag mag-post kaya ang dami nang product  na gusto si Gardo as  endorser. Mabait pang kausap at very professional kaya naman malapit din ang suwerte.

Bongga pa ang TikTok moment kaya nga hindi nawawala ang excitement sa personalidad ni Gardo. Bongga ‘pag nakita mong naglalaba .

Show comments