May resemblance kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang nagwaging Binibing Pilipinas Miss International from Masbate na si Hannah Arnold.
Actually, hindi lang si Pia ang sinasabing kamukha niya. Ganundin si Nadine Samonte.
Half-Pinay/ half-Aussie si Hannah na kinabiliban sa sagot kung nag-e-exist pa ba sa Pilipinas ang press freedom.
“First of all, freedom of speech is a basic human right that we all must remember It is important for a democracy. With our upcoming elections, we definitely need free speech. For example on Twitter, we are limited to few characters and what I’ve seen from these tweets has been powerful and has helped me think about who I would like to vote for in the upcoming elections.”
Thirty three ang naglaban sa Binibining Pilipinas 2021 :Narito ang mga nanalo :
Binibining Pilipinas International 2021 - Hannah Arnold of Masbate:Binibining Pilipinas Grand International 2021 - Samantha Panlilio of Cavite; Binibining Pilipinas Intercontinental 2021 - Cinderella Faye Obeñita of Cagayan De Oro - Misamis Oriental; Binibining Pilipinas Globe 2021 - Maureen Montagne of Batangas; Binibining Pilipinas 1st Runner-up - Gabrielle Basiano of Borongan, Eastern Samar; Binibining Pilipinas 2nd Runner-up - Meiji Cruz of Valenzuela
Naging judge din sina Liza Soberano and Enrique Gil.
Napuri naman ang pagho-host ni former Miss Universe Catriona Gray habang si Liza naman panay naman ang comment ng mga nanonood na bagay din sa kanya ang korona.