^

PSN Showbiz

Cong. Vilma at AiAi, magkasunod na ‘pinatay’ sa internet!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Cong. Vilma at AiAi, magkasunod na ‘pinatay’ sa internet!
Cong. Vilma

Katatapos lang naming mag-chat ni Congresswoman Vilma Santos, nang makatanggap ako ng isang text message na nagtatanong dahil may kumakalat daw na balita na nabaril nga si Ate Vi.

Hindi na namin pinansin dahil katatapos lang naming mag-chat, papaanong mababaril iyon?

Alam ninyo, kahit sabihing tag-ulan na, napakainit pa rin ng panahon ngayon, at kung mayroong hindi masyadong nakakapaligo, naku mag-iiba ang takbo ng utak niyan. Posible talagang magkaroon ng hallucinations.

Ganyan siguro ang nangyari doon sa isang kasama sa isang chat group na bigla na lang nagsabing may natanggap siyang hindi pa naman kumpirmadong balita, na diumano nabaril daw nga si Ate Vi habang nakasakay sa kanyang kotse at DOA pa raw sa ospital. Wala namang sinabi kung saan iyon nangyari, at 100% kaming sigurado na kung sino man ang nagkalat ng kalokohang iyon, hindi niya alam kung nasaan si Ate Vi.

Maya-maya ang sumunod naman ay ang nanggagalaiti sa galit na si AiAi delas Alas, na tinawag na gago at may utak na hinubog sa dumi ang isang blogger, na nanghihikayat pa diumano sa mga tao na i-like at mag-subscribe sa kanyang vlog, at para makatawag ng pansin ay sinabi ring namatay na si AiAi dahil sa diabetes.

Kung nag-iisip ang taong nakakakita noon, sure ako na fake news agad ang sasabihin niya. Walang sinasabing namatay dahil sa diabetes, kundi sa mga komplikasyon dahil sa diabetes.

Eh si AiAi nasa US, kasama ang kanyang asawa dahil sa isang show na ginawa niya roon. Natural nagkagulo ang mga kaanak niya at kaibigan dito matapos na marinig ang panlolokong iyon.

Kung sabagay, iyan naman ang lagi naming sinasabi, huwag kayong magpapaniwala sa mga nakikita ninyo sa social media at vlogs ng kung sinu-sinong hindi naman ninyo kilala.

Makukumpirma lang ninyo ang mga balita mula sa mga lehitimong media.

Iyan ang mapapala kung nakababad lang sa internet samantalang mas maraming diyaryo na mas reliable at meron ding websites, at ilang istasyon ng radyo at telebisyon na mapapanood at maririnig din naman ninyo nang libre at kumpirmado pa ang mga balita.

Ang social media, wala halos makita riyan kundi fake news, at propaganda, press releases lang tungkol sa mga artista. Hindi lehitimo ang sources niyan.

Naipundar ni Aljur, naibenta na

Iba na nga ang takbo ng mga kuwento. Umuwi na pala si Kylie Padilla sa kanilang dating bahay sa Fairview habang nasa finishing touches pa ang kanyang dream house na sinasabi niyang magiging tahanan nila ng kanyang mga anak very soon. Napansin namin, magiging tahanan lang daw nila ng kanyang mga anak. Wala na ngang sinabing kasama ang tatay ng kanyang mga anak.
Iyon namang tatay ng kanyang mga anak ay sinasabing umuuwi raw sa dati nilang tahanan sa Batangas. Mayroon pang informed sources na nagsasabing ang dating tahanan ng kanilang pamilya na ipinundar ni Aljur ay naibenta na raw kasi. Iyon kaya iyong bahay na nabili niya kay Kaye Dacer?
Idiniin ni Kylie na ang kanilang lilipatang mag-iina ay kanyang bahay, pero dahil kasal sila ni Aljur, at hindi pa naman napapawalang bisa iyon kahit na ilang buwan na rin silang hiwalay, iyon ay maituturing pa ring conjugal property dahil acquired sa panahong may presumption na mag-asawa pa rin sila kahit hiwalay.

Acting workshops, ginagawang modus ng mga ‘rumaraket’

May bagong modus daw ang mga “nagbebenta ng aliw.” Sumasama sila sa mga “acting workshop” tapos inilalabas nila sa social media na sila nga ay nakatapos sa isang acting workshop, ibig sabihin kung hindi pa man sila artista, mag-aartista na sila, at natural “mataas na ang presyo dahil artista na kasi.” Nag-workshop na eh.

Malaki ang kaibahan noong araw sa ngayon. Noong araw, ang mga worshop ay ginagawa lamang bilang paghahanda sa mga artista para sa isang pelikula.

Ang tuluy-tuloy lamang sa pagbibigay ng pagsasanay noon ay iyong sa Actors’ Workshop Foundation na ang namamahala ay mga kilala at beteranong mga director at mahuhusay na artista. Sila ay sumusunod din sa teaching modules na galing Hollywood.

Ngayon dito sa atin kahit na sino lang, at kahit na nga sa garahe lang, may ginaganap na workshop. At kaya naman pala ay nagagamit ng mga “workshoppers” na “gusto lamang magpataas ng presyo sa kanilang sideline.”

Nakakalungkot naman iyan.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with