Wilbert, ipinagpalit ang scholarship sa hashtag
Kung sakaling mabibiyayaan ng anak ay posibleng tumigil muna si Jessy Mendiola sa pag-aartista. Napag-usapan na ng aktres at asawang si Luis Manzano ang tungkol dito. “Choice ko rin talaga ‘yon, hindi si Howhow (tawagan ng mag-asawa) ang may call no’n or anything. Nag-usap kami na if ever man we have kids na, gusto ko talaga na medyo tutok ako. Like ako ‘yung magluluto ng food nila, ako ‘yung magdadala sa kanila sa school, ako ‘yung magsusundo. Tapos siyempre, when Howhow gets home from work, ako ‘yung naghahanda na ng pantulog niya,” kwento ni Jessy.
Para naman kay Luis ay talagang binibigyan niya ng kalayaan ang misis kung ano man ang maging desisyon nito. “Do what you want. Kung may gusto kang gawin as you, as a vlogger, as an artist. Pero naiintindihan ko na may mga dapat ka ring gawin as a mother. The same way na gano’n din. Kunyari lang nasa hosting pa rin ako, may mga kailangan akong gawin as an artist, as a businessman, may mga kailangan din akong gawin as a father. So kaya natin naman gawin lahat ‘yon without compromising the attention at love na pwede nating ibigay sa mga bata,” paglalahad ni Luis
Bago nagpasyang maging artista ay isang estudyante noon si Wilbert Ross. Scholar umano ang binata ng Indonesian government bago naging miyembro ng Hashtags ng It’s Showtime. “Knowing na ‘yung time na ‘yon, very gipit, walang family. Sumugal talaga ako, iniwan ko lahat. Malaking bagay siya sa akin kasi scholar ako ng Indonesia. Indonesian Consulate mismo,” nakangiting pahayag ni Wilbert.
Naranasan ng aktor na tumira sa squatter’s area noong nagsisimula pa lamang sa show business. Ayon kay Wilbert ay posibleng isa na siyang ganap na Inhinyero ngayon kung hindi napasabak sa showbiz. “Parang inabandona ko ‘yung sure, pati ‘yung trabaho sinakripisyo ko lahat. Kasi ‘yung sitwasyon ko nasa safe zone na ako eh. Simple na ‘yung buhay ko eh, gagawin ko lang ‘to (makapagtapos ng pag-aaral) magiging Engineer na ako eh, magkakatrabaho na ako. Kumbaga tinalikuran ko pa ‘yon para dito sa hindi sigurado,” pagbabahagi pa ng binata.
Malaki pa rin ang pasasalamat ni Wilbert dahil nagbunga naman ang lahat ng isinakripisyo noong mapabilang sa grupong Hashtags. “Without me knowing kung gaano kahirap pumasok sa showbiz. Sinuwerte ako kasi pumunta ako dito 2016, November. Tapos naging Hashtags ako 2017 na, hindi ako pinahirapan ni God,” pagtatapos ng aktor.
(Reports from JCC)