Sumabak sa paseksihan’
Hindi nagkaroon ng chance na tanungin kahapon si Aljur Abrenica tungkol sa isiniwalat ni Robin Padilla na hiwalay na sila ng misis niyang si Kylie Padilla na third party ang dahilan.
Humarap nga kasi sa media conference kahapon ng digital movie na Nerisa si Aljur na sinasabing isa sa pinaka-sexy at daring na pelikula ng 2021 at tampok si Cindy Miranda bilang si Adan.
Excited si Cindy sa pelikulang ito, at handa na niyang patunayan na hindi lang ganda ang meron siya, kundi pati rin talento sa pag-arte.
Ganundin si Aljur na aminadong challenging ang naging role.
“There are times na mabilis lang, may mga challenging, may mga eksena na humihingi ako ng time para... tama ba ‘yung sagot ko. May mga time na humihingi ako ng oras bago simulan ‘yung eksena and open naman sila kung paano ‘yung atake kasi si Direk Lau (Fajardo), para rin siyang aktor ginagawa niya muna yung scene, bibigay niya ‘yung misyon tapos he will give you the freedom kung paano mo ide-deliver so ‘yun yung isa sa mga nakatulong sa akin and there are scenes na matagal ako,” pag-amin ng aktor na may dalawang anak kay Kylie..
At kung matapang ang character ni Nerisa, ganundin daw siya, ayon kay Aljur.
Anyway, alamin ang katotohanan sa likod ng misteryong nababalot sa pagkatao ni Nerisa sa July 30, sa global premiere nito sa ktx.ph, iWantTFC, and TFC IPTV sa halagang P249 at sa Vivamax.
Anyway, going back to Aljur, sinabi nga ni Robin sa interview ng kaibigang si Ogie Diaz na pinagsabihan niya ang mag-asawa na ‘wag mag-away sa social media. “Kasi dapat, sa akin ha, ang 2 mag-asawa na hindi na nagkasundo, hindi kayo dapat maghiwalay na magkaaway. Bakit? Nagmahalan naman kayo, nasarapan naman kayo pareho. Bakit kayo kailangang mag-away? Dahil anon’g dahilan? Dahil nagtaksil ‘yung isa?
“Tao ka, mangyayari’t mangyayari ‘yan, hindi ‘yan puwedeng hindi mangyari. Kalokohan ang hindi mangyari, lalo’t nasa showbiz tayo.”
At tungkol sa third party : “Wala namang papel ang tatay du’n,” ani Robin.
“Hindi ka dapat makialam. Away ng mag-asawa ‘yan, eh. May mga anak pa. Masakit siyempre sa akin. Saka sa akin ang remembrance, eh. ‘Yung mga apo (ko) nasa nanay. Pero hindi issue sa akin ‘yun.”