^

PSN Showbiz

Sa buko hindi sa GMA, Maine may lifestyle show na rin!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Sa buko hindi sa GMA, Maine may lifestyle show na rin!
Maine

Wow, exciting ang bagong comedy channel ng Cignal TV Inc. at APT Entertainment Inc. para maghatid ng 24/7 na feel-good entertainment at unlimited saya. At malapit na itong matunghayan ng mga manonood.

Yes, simula ngayong Agosto, magbubukas na ang BuKo (Buhay Komedya), ang kauna-unahan at nag-iisang 24/7 local comedy channel na may dalang refreshing lineup kumbaga, ng comedy classics, hit sitcoms, gag shows, at all-new original programs na pagbibidahan ng mga sikat at baguhang mga komedyante.

Hatid din ng BuKo na refreshing blend ng comedy at lifestyle shows na mahahati sa tatlong programming blocks : Buko Originals, Tawang Pinoy Klasiks, at Throwback Tawanan.

Authentic Pinoy humor at creativity ang tampok sa BuKo Originals tulad ng #MaineGoals, isang lifestyle-oriented show ng phenomenal star na si Maine Mendoza kung saan gagawin niya ang mga task o goal mula sa kanyang checklist.

Kabilang din sa programming block na ito ang Kusina ni Mamang na hosted by  Pokwang, at ang kuwelang News Patol na magrereport ng mga patolang­ balita na sa title pa lang ay may aliw factor na.

Hatid naman ng Tawang Pinoy Klasiks ang mga well-loved Pinoy comedy classics gaya ng Iskul Bukol, Wow Mali, Bubble Gang, OGAG, Loko Moko, Tropang Trumpo, at iba pang comedy TV hits.

Sa Throwback Tawanan naman matutunghayan ang iba’t ibang sikat na comedy series at game shows na kinagigiliwan ng mga manonood, katulad ng Pidol’s Wonderland, Celebrity Samurai, Mac and Chiz, Sugo mga Kapatid, at marami pang iba.

Kaya naman ideal ito para sa buong pamilya.

“Cignal TV Inc. is committed to continuously provide the best possible content for our viewers. It is an honor for us to partner with APT Entertainment, a stalwart in the industry when it comes to providing entertainment that resonates with Filipino audiences. With our collaboration to produce BuKo, and with it historically being the first 24/7 local comedy channel in the country, we are further fueled by our shared passion to create and offer quality programming and top-notch entertainment for all,” pahayag ng FVP/Head for Channels and Content Management ng Cignal TV na si Sienna Maris G. Olaso.

Katulad din ng Cignal TV Inc., ibinabahagi ng APT Entertainment ang karangalan sa pagbubuo ng BuKo at sa paghahatid ng ‘unique’ content para sa bagong comedy channel. “In these unprecedented times when Filipinos need to be entertained more than ever, we are pleased to work with Cignal in bringing BuKo to life. Through this new comedy channel, we take pride in offering highly entertaining content that will fill homes with collective laughter as families spend quality time watching our shows on BuKo,” banggit ng CEO & President ng APT Entertainment na si Michael Tuviera.

Solid Pinoy shows din ang mapapanood sa BuKo na majority ay galing sa library ng APT Entertainment.

Ang BuKo Channel ay opisyal na magbubukas ngayong August 2, 2021 sa Cignal TV Channel 2 at SatLite Channel 2. Puwede ring ma-access ang BuKo sa Cignal Play app, available sa App Store at Google Play. Para sa Cignal postpaid and prepaid subscription inquiries, bumisita sa http://cignal.tv. Ang Cignal Plan ay available for Prepaid 100 and Postpaid 250, habang ang SatLite Plan starts at P49.

Ang Cignal TV na inilunsad noong 2009 ay mayroon na ngayong over 3 million subscribers. It transmits 133 channels including free-to-air, SD and HD channels to household and commercial venues across the country. It also offers a mix of 17 audio channels and on-demand service through pay-per-view channels and content add-ons.

Samantalang ang APT Entertainment na binuo ni Mr. Tony Tuviera noong 1994 at nasa likod ng longest-running program na Eat Bulaga.

MAINE MENDOZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with