^

PSN Showbiz

Kris hindi nagbayad sa mga rider na napeke!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kris hindi nagbayad sa mga rider na napeke!
Kris

Nalaman na ni Kris Bernal kung sino ang may gawa nung ‘Fake Grab Booking’ gamit ang pangalan niya. Ginamit lang daw ang pangalan na Jenjen Manalo at ipinost nga ni Kris sa kanyang Instagram account at ang phone number nito, pati ang video ng ­pag-uusap ng isang rider at nitong si Jenjen.

Ayon kay Kris na nakausap ko sa telepono noong nakaraang Linggo, dating PA raw ito ng isang taga-Sexbomb dancers na parang may tama raw sa utak.

Kuwento ng aktres : “Ang nabalitaan ko ginawa na rin pala niya ito sa mga Sexbomb dancers. Kasi tinawagan ako ng Sexbomb dancers. Dating PA pala siya ni Grace (Nera) ng SexBomb. So, kilala nila tapos iyon daw talaga siya.

“Nakuha ko na ‘yung identification niya. Nakita ko na ‘yung mukha, pati ‘yung pangalan nakuha ko na. Ang hindi ko lang alam ‘yung address. Di ko ma-figure out kung papano ko kukunin.

“Pina-NBI na raw nila ‘yan, wala rin nangyari. Na-24 Oras na rin daw ‘yan wala ring nangyari. Meron siyang binibiktima. Trip trip lang daw niya, parang may sayad sa utak eh.”

Sobrang na-stress daw siya noong nakaraang Sabado na mula ala-una ng hapon hanggang alas-nuwebe ng gabi ay sunud-sunod na dumating ang mga food order sa Grab nitong si Jenjen Manalo.

Abala pa naman si Kris sa paghahanda sa kasal niya sa September at may mga Zoom meeting daw siyang na-cancel na lang dahil sa kahaharap niya sa mga dumating na Grab delivery. “Ayoko nga sanang lumabas pero kailangan makita ng mga Grab drivers na si Kris Bernal ang nakatira dun na wala namang ino-order. Kailangan manggaling sa akin na wala talaga akong ino-order,” dagdag niyang kuwento.

Kaya ipinarating na raw niya ang reklamo sa Grab at tingin naman niya naaksyunan ito ng naturang delivery service.

Pero hanggang noong Linggo ay meron pa rin daw dumating na ‘fake order’ pero hindi na ginamit ang Grab.

Nakakaawa lang daw ang mga rider dahil umuulan pa naman daw nun, naloko pa sila nitong babaeng ito. Gusto man daw niyang bayaran ‘yung mga ‘fake order’ na ‘yun pero ayaw daw niyang i-tolerate ang panloloko nitong nagngangalang Jenjen Manalo. “I want Grab to take action na may mga ganitong incident... they should compensate dun sa mga restaurant na naabala kasi hindi naman talaga ako nag-order. Dapat i-compensate ng Grab ‘yun dun sa mga riders,” saad ni Kris. 

Break na kaya si Boobay at ng non-showbiz boyfriend niyang naka-base sa Australia?

Ilang beses ding nag-surprise itong boyfriend niyang si Kent Resquir sa mga programa ni Boobay at sinasabi nga nilang lalong nagpapatibay daw sa kanilang relasyon ang ‘long-distance relationship’. Pero bumibigay pa rin pala.

Ayon sa ilang nasagap namin, nag-decide na raw ang non-showbiz BF ni Boobay na makipaghiwalay na lang.

Wala naman daw silang pinag-awayan pero sinasabi lang daw nung boyfriend na gusto na niyang lumaya. Maaring iyon nga ang ibig sabihin ng IG story ni Boobay na may kuha niya at may caption na “freedom.”

Meron pang isang post sa kanyang IG story na “After 9 years….(silhouette couple emoticon) at (heart broken ­emoticon).”

Wala namang magawa si Boobay kung gusto na itong tapusin ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Pag-uusapan kaya ito ni Boobay sa programa nilang The Boobay and Tekla Show?

KRIS BERNAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with