Kris, may mga kaaway?!
Awww mukhang may mga kagalit si Kris Bernal.
Kahapon ay dalawang isyu ang ipinost niya sa kanyang IG account.
‘Yung isa ay tungkol sa pagdagsa ng riders sa bahay nila dahil may in-order daw siya at ‘yung isa ay ang pagpapa-cancel niya supposedly ng mga order ng nagpakilala niyang assistant.
‘Yung una ay dagsa as in 23 riders ang sunud-sunod na dumating sa kanila dahil nga sa order daw siyang pagkain na kapag tinatawagan ng rider ang um-order ng food na nagngangalang Jenjen Manalo ay sumasagot at ipinagpipilitan na si Kris Bernal ang nag-order.
‘Yun namang isa ay tumawag sa isang seller ng egg tart na ipinapa-cancel ang order nito at nang tanungin kung sinong nagpapa-cancel, si Kris Bernal daw.
May pangalan din siyang sinasabi at pinipilit nga nitong assistant siya ng actress.
Pinayuhan si Kris na i-report na ito sa NBI dahil ang daming naawa sa mga rider na dumagsa sa kanilang bahay at sa seller na hindi pa naman gaanong karamihan ang followers.
- Latest