Bryce Manzano, hindi ‘ordinaryo’ang unang kanta
Pasasalamat para sa unconditional love ang mensahe ng debut solo single na Ordinaryo ng young singer na si Bryce Manzano na napapakinggan na ngayon sa iba’t ibang digital music platforms.
“Mensahe ng ‘Ordinaryo’ na magpasalamat sa karelasyon mo na minahal ka hindi dahil sa panlabas na itsura kundi dahil sa kabutihan ng puso mo,” ani Bryce.
Ang 20-anyos na Star Pop artist ay isa sa Chill Guys kasama sina Jose Vitug at Brian Gazmen.
Noong 2017, nanalo siya ng gold at silver medals sa World Championships of Performing Arts (WCOPA). Bukod sa pagpe-perform, isa siyang B.S. Pharmacy freshman student sa Silliman University sa Dumaguete.
Gaya ng marami, pangarap ni Bryce na maging successful singer na kumokonekta ang mga kanta sa mga tao, at mararamdaman ito sa kaka-release lang na unang solo single niyang Ordinaryo na isinulat at kinompose ni Gab Tagadtad at ipinrodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.
Magaan ang kanta para sa mga nasa papausbong na relasyon at tungkol sa pag-appreciate sa partner ng isang tao na nagmamahal ng totoo sa kanya sa kabila ng pagiging simple at ordinaryo.
- Latest