Naging emosyonal si Jasmine Curtis-Smith matapos mapanood ang surprise video message mula sa kanyang Mommy Carmen na naka-base ngayon sa Australia.
Parte ito ng naganap na FunCon na inorganisa ng GMA Pinoy TV nitong June 30. Nakasama ni Jasmine rito ang kanyang co-stars na sina Alden Richards at Tom Rodriguez ng highly-anticipated primetime series na The World Between Us.
“I miss my mom so much. We haven’t spoken kasi in like two weeks so thank you for that surprise. Like it’s making everything so worth it and I miss her so much.”
Sa naturang video message ay inilarawan ni Mommy Carmen ang anak na si Jasmine, “Very friendly siya and very loving daughter, ganyan, [and] mahilig siya kumain ng Pinoy food – beef steak, adobo, ganun.”
Dagdag pa ng kanyang ina, “Keep smiling and ‘wag kang masyadong mag-isip sa ngayon dahil I know that you’re always worried na hindi tayo nagkikita but I always love you.”