Eat Bulaga at Bossing Vic, tumatak na sa pagtulong
Bukod sa pagiging alamat na at nangungunang entertainment show sa bansa ng Eat Bulaga, nakilala rin ang programa sa kanilang adbokasyang maghatid ng tulong sa mga nangangailangan nating mga kababayan.
Taong 2010 nang makipagsanib-puwersa ito sa Hanabishi Appliances na maituturing na ring KaDabarkads sa mga proyekto nito.
“Nagsimula ang pakikipag-alyansa namin sa Eat Bulaga dahil naniniwala kami sa kanilang layuning makatulong bukod sa magpasaya. Sa Sugod Bahay segment nila, mas marami ang naabot ng kanilang programa. Karangalan namin na makatuwang sila sa pagbibigay ng mga papremyo lalo na doon sa nasa kanilang mga tahanan,” pagbabahagi ng Hanabishi Appliances marketing consultant na si Ronwaldo Villanueva.
Nang lumaon naging bahagi rin ang pinagkakatiwalaang brand ng appliances sa Classroom ni Juan na naglalayong suportahan ang mga maralitang paaralan sa buong bansa.
Sa kampanyang ito, ang buong komunidad ay inengganyong mag-donate ng recyclable materials tulad ng plastic water bottles kung saan ang nalikom na pondo sa pagbebenta nito ay ginagamit para pambili ng desks o mga upuan sa silid eskuwelahan.
Nang magsimula naman ang pandemya noong nakaraang taon, kabalikat din nila ang Eat Bulaga sa pagsusumikap nitong tulungan ang frontliners sa pamamagitan ng pagkakaloob ng electric fans at washing machines sa mga piling ospital sa Kalakhang Maynila.
Naging matagumpay rin ang Praktikal na Nanay campaign nito na inilunsad dalawampu’t limang taon na ang nakakaraan.
Kamakailan lang ay nagdiwang ang Hanabishi ng kanyang ika-35 taong anibersaryo.
Taong 2014 naging brand ambassador ng Hanabishi si Bossing Vic Sotto na sa kasalukuyan ay bahagi pa rin ng nasabing brand.
- Latest