Matagal-tagal nang hindi napapanood sa teleserye o pelikula si James Reid. Ayon sa aktor ay mas pinili niyang pagtuunan muna ng panahon ang musika. “I love acting, but sometimes after doing teleserye after teleserye, it gets repetitive and I felt like kind of robotic. I craved something that came from me, that I can really express. I was just following instructions. It wasn’t feeding my soul,” makahulugang pahayag ni James.
Para sa binata ay mahirap ang kanyang naging desisyon na iwan muna ang pag-arte. “It was difficult for me to step away from all of that because I was in a very good place. But I stepped away from doing that and I chose something more difficult, which is something that I still had to grow in making music and production, writing songs,” paliwanag ng singer-actor.
Abala ngayon si James sa sariling record label na Careless. Hindi rin naging madali para kay James ang magkaroon ng sariling negosyo. “At the start, it was just me and my friends doing music. We do one show once a month and we think it’s great. But after a while and you look at the numbers, it’s like oh my God. We need to earn money. We can’t just be doing shows and spending money on this. The hard part was learning how to make it professional. That’s what we spend this year doing, growing up. It was really hard,” pagbabahagi ng aktor.
Jayda, kinilig nang piliin ni Catriona
Kamakailan ay nabanggit ni Catriona Gray sa isang pahayag na personal niyang gusto si Jayda Avanzado ang gumanap bilang siya kung sakaling gagawan ng biopic ang beauty queen. Sobrang saya naman ni Jayda nang malaman ang tungkol dito. “Ako talaga sobrang kinilig ako ng bonggang-bongga noong nakita ko pinost ko sa ABS-CBN, sa Twitter, tuwang-tuwa ako. Actually minessage ko agad si Ate Cat afterwards at nagpasalamat ako. Kasi napakalaking bagay ‘yon na marinig ‘yon sa kanya, na galing sa kanya. It’s an honor din to hear that from her that she would want me to play her in a biopic or kung MMK (Maalaala Mo Kaya) ‘yon,” nakangiting pahayag ni Jayda.
Nakilala ang anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado bilang isang magaling na singer. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay nakahanda na rin si Jayda na sumabak sa pag-arte. “Gusto ko po talaga maka-crossover sa multimedia patforms hindi lang po sa music. Kasi over the past few years po talaga, kaya po siguro hindi pa po ako pumapasok sa pag-arte, kasi po parang gusto kong i-establish ang sarili ko as a singer-songwriter. Pero ngayon po ay handa na akong sumabak sa acting,” paglalahad niya.
Ang tanging hiling lamang ni Jayda ay ang magustuhan ng mga tagahanga ang lahat ng kanyang mga ginagawa sa industriya. “As an artist ang pinakaimportante sa akin ay I can make a connection with as many people as possible at ma-inspire ko ang bawat tao na makakapanood sa akin kahit saan man ‘yon. Kahit sa music man ‘yon o pelikula,” pagtatapos ng dalaga. (Reports from JCC)