Ate Vi, dasal ang sandata sa bantang pagputok ng Taal

Vilma
STAR/ File

Lampas hatinggabi na ay gising pa rin si Congresswoman Vilma Santos, at naka-monitor sa sitwasyon ng Taal Volcano na magdamag nga raw nag-alburoto, matapos na magbuga ng usok kahapon nang hapon. Nakadama rin daw ng walong pagyanig sa buong magdamag. Hindi pa naman apektado ang Lipa, Laurel at Agoncillo pa lang naman ang pinapag-evacuate, “pero Batangas pa rin iyon at alam mo naman siyam na taon akong governor diyan kaya hindi ko rin mapapabayaan,” sabi ni Ate Vi na alalang-alala pa rin nang makausap ko.

“Noong ako ay naging governor ng Batangas noon, wala akong kinakatakutan at wala akong hinihiling sa Diyos araw-araw kung di huwag pumutok iyang Taal. Alam ko kung papaano pumutok ang Taal eh.Malaking pinsala talaga. Natatandaan ko noon, bata pa ako, ilang buwan nasa diyaryo araw-araw ang Taal dahil ayaw tumigil sa pagputok. Kung natatandaan mo rin, iyan ang dahilan kung bakit sinimulan namin noon iyong fluvial procession sa paligid ng Taal lake tuwing September 8, kasi sabi nga noon ni Archbishop Arguelles, iyon ang birthday ng Virgin Mary at saka ipinagdadasal nga naming huwag pumutok ang Taal. Eh ngayon nga congresswoman lang ako, hindi ako matahimik eh, kahit na noong pumutok iyan bago ang pandemic last year. Eh di lalo na kung ako pa ang governor.

“Kami sa Lipa, lagi naman kaming ready, pero tumawag na nga ako doon para bilinan ang mga tao na maghanda na ng relief goods, dahil kung tutuloy iyan kahit sabihing hindi affected ang Lipa, hindi naman namin maaaring pabayaan ang ibang bayan,” pag-alala pa ni Ate Vi.

Ano pa ba ang plano niya?
“Kanina lang, kausap ko mga taga-Phivolcs, sabi naman sa akin, hindi pa ngayon iyan pero hindi mo masasabi kung magkakaroon ng malakas na pagsabog. Kaya kahapon noong ipadala sa e-mail ko iyong picture noong sabog, nanawagan na ako sa mga tao. Maghanda na, at kungkailangan ng evacuation, sumunod agad sa mga opisyal na mamumuno sa kanila, at higit sa lahat, magdasal. Iyan ang kailangan natin. AngDiyos lang talaga ang maaari nating asahan sa ganyang mga sitwasyon,” sabi pa ni Ate Vi.

Title na movie queen, mas bagay kay Kathryn kesa kay Bea?!

Inuulan ng pagbabanta na ibo-boycott ang mga proyekto si Bea Alonzo matapos pumirma sa GMA at sinasabihan siyang walang utang na loob, at walang konsiderasyon sa kapwa niya artista at mga kasama dahil iniwan niya ang isang proyektong nakapagsimula na iyon pala ay lilipat lang siya. Pero mukhang maling sabihin na ang mga galit na galit kay Bea ay mga “Beanatics.” Mga die hard ABS-CBN supporters ang mga iyon. Maliwanag na fans sila ng ABS-CBN, hindi ni Bea.
Pero naguluhan kami ha, kahapon lang namin nalamang tinatawag na pala si Bea na movie queen? Bakit? Ito ay personal naming opinion ha, kung mayroong dapat tawaging movie queen, si Kathryn Bernardo iyon dahil pelikula niya ang namamayani at sinuportahan ng publiko noong mayroon pang sinehan. Hindi naman maitatapat sa mga iyon ang mga pelikulang ginawa ni Bea, so bakit siya ang movie queen?

Aktor, todo papansin ang mga post para makatanso ng uutangan

Mukha talagang exhibitionist ang isang gay male star. Talagang tuluy-tuloy ang pagpo-post niya ng pictures niyang nakahubad sa social media, nang wala namang dahilan. Pero may nagbulong sa amin, may iba pa raw agenda ang gay male star kaya niya ginagawa iyon.
Nagbabaka-sakali rin daw siyang makatanso ng bading ding kagaya niya na baka magkaroon ng interest na makilala siya at i-date, na siyempre pagkakakitaan niya, kung ‘di man “mauutangan.” Alam naman ninyo pandemic kasi ngayon eh at marami lalo na riyan sa hindi naman masyadong sikat na stars, wala talagang pinagkakakitaan, kaya umiisip sila ng kung anu-anong gimmick para kumita.

Show comments