Wow, parang may nanalo na sa PoPinoy.
Ang galing ng grupong Gandara bukod pa sa mukhang mga fresh ang awra nila.
Saka laging trending ang performance nila sa nasabing talent search sa TV5 ng TNT. Bukod sa ang gagandara nila (ang gaganda), ang gagaling din nilang sumayaw. At kumakanta pa. Kaya naman sa all access ng PopPinoy na hino-host nina Paolo Ballesteros and Maine Mendoza sila ang madalas na nagpi-feature.
At in all fairness, super talaga ang mga papuri sa kanila ng judges kabilang na si Direk Mike Tuvierra.
Pati nga makeup nila at outfit, napupuri. Kung sabagay si Bambbi Fuentes ang make-up artist nila at isa rin siya sa tumutulong sa grupo.
Bring it on, Gandara.
ABS-CBN, naghahanap ng bagong boy next door star
Madadagdagan na naman ng Kapamilya star na magpapakilig sa mga manonood dahil hatid ng ABS-CBN Star Hunt at Star Magic ang bagong edisyon ng kanilang online star search, ang Bida Star: Boy Next Door.
Nitong Hunyo 30 (Miyerkules), naipakilala na ang 50 hopefuls na napili mula sa daang-daang nag-audition sa Kumu na magtatagisan linggo-linggo para patunayan na sila ang susunod na magiging ganap na artista ng ABS-CBN. Subaybayan sila sa Facebook page at YouTube channel ng Star Hunt mula Martes hanggang Biyernes, 6 p.m.
Samantala, makipagtsikahan at kilalanin ang contestants tuwing Miyerkules, 2 p.m. hanggang 4 p.m. sa Kumu (@starhuntabscbn) kasama ang Ultimate Bida Star Gandang Naturally Fresh winner, Ruth Paga.
Mapalad naman ang nasabing finalists sa Bida Star: Boy Next Door dahil marami silang matutunan sa mentors na sina Direk Rahyan Carlos, ang head ng Star Magic Workshop, Raymund Dizon, ang head ng Star Hunt Management, at Alex Asuncion na head ng TV Production Digital Group.
Bongga naman ang premyong matatanggap ng Ultimate Bida Star, kasama rito ang ABS-CBN management contract, Star Magic Workshop Scholarship, sariling digital show, tsansa na makasama ang ilang Kapamilya stars sa isang digital film, at P50,000.
Makakasama pa rin sina Karina Bautista at Aljon Mendoza bilang hosts nito pati na sina Kaori Oinuma at Rhys Miguel.