Cristine, foreigner ang bagong boyfriend?!
Ara kahapon lang ikinasal
Spotted si Cristine Reyes sa isang fine dining restaurant sa Makati na may ka-date na foreigner recently lang.
Ang guwapo raw nito, American-Indian ang hitsura at mukhang rich guy ayon sa nakasabay nilang nag-dine in. Hitsurang may relasyon daw ang dalawa.
Two years ago, nang kumpirmahin ni Cristine na hiwalay na sila ng husband niyang si Ali Khatibi na isang martial artist.
Naging persistent ang issue na hiwalay na sila noong 2018 hanggang nung early 2019 ay nagsalita siya tungkol dito.
Walang pino-post si Cristine sa kanyang social media account about her lovelife. Ang lagi niyang kasama ay ang anak na si Amarah though hindi rin naman siya masyadong active.
Samantalang si Ali naman ay madalas na ang pagmo-motor ang ipino-post.
Anyway, si Cristine ang maid of honor sa wedding kahapon ni Ara Mina at Philippine International Trading Corporation (PITC) Undersecretary Dave Almarinez na ginanap sa Baguio.
Ilang beses nang sinasabing ikinasal sina Ara at Dave pero kahapon lang pala talaga ito naganap.
At ito ang dahilan kaya hindi natuloy ang mga gustong mag-chill sa Baguio this weekend. May friends kasi kaming gustong mag-Baguio pero sabi raw sa mga hotel doon ay may malaking kasalan nga kaya hindi na sila puwedeng i-accommodate. At ito nga palang kasal nina Ara at Dave.
- Latest