Lauren Young, balik-telebisyon
Matapos ang dalawang taon ay muling mapapanood sa telebisyon si Lauren Young, sister ni Megan Young sa upcoming GMA mini-series na Never Say Goodbye kasama sina Jak Roberto at Klea Pineda.
Inamin din ni Lauren na naninibago siya sa kanyang pagbabalik-showbiz, “Ang tagal ko na kasing hindi umaarte. This life and this lifestyle, it seems so new to me. I haven’t acted in 2 years, hindi na ako sanay. Nasanay lang ako na my life has been so simplified. I’m not used to this glitz and glamour anymore. After doing this for more than 10 years, nagpahinga ako because of Covid so medyo naku-culture shock ako,” pag-amin niya sa kanyang vlog.
Ngayong linggo ay nagsimula na ang lock-in taping ng cast sa Mabalacat, Pampanga.
- Latest