Libre na ang panonood sa iWantTFC ng higit sa 10,000 oras ng pelikula, palabas, at originals para sa users nito sa Pilipinas simula g Hunyo 30.
Mag-download lang ng iWantTFC app o bisitahin ang iwanttfc.com para tuloy-tuloy na masubaybayan ang mga ABS-CBN primetime teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano, Huwag Kang Mangamba, Init Sa Magdamag, at La Vida Lena at ang advance episodes nilang available sa platform, dalawang araw bago sila ipalabas sa telebisyon.
Ngayong taon, madadagdagan din sila nang originals na eksklusibong mapapanood sa platform gaya ng romance drama na My Sunset Girl ni Charlie Dizon, pati na ang ikalawang season ng Hoy Love You tampok ang susunod na kabanata ng love stories nina Joross Gamboa, Roxanne Guinoo, Aljon Mendoza, at Karina Bautista at ang pagdating ng bagong karakter ni Ritz Azul.
Magsasama naman ang mag-inang Sylvia Sanchez at Ria Atayde sa iWantTFC original series na Mrs. Piggy tungkol sa isang pamilyang nakaahon mula sa hirap, habang magbabalik-tambalan sina Adrian Lindayag at Keann Johnson para sa seryeng Love Beneath the Stars na hango mula sa patok na 2020 MMFF boys’ love (BL) movie nilang The Boy Foretold by the Stars.
Sa iWantTFC, ang nagsisilbing tahanan ng mga kuwentong Pilipino, mapapanood na rin ang mga orihinal na show mula sa Brightlight Productions, gaya ng news magazine and lifestyle show ni Korina Sanchez na Rated Korina. Ganundin ang Oh My Dad at Sunday Kada, at ang romcom na I Got You.
Tuluy-tuloy rin ang kilig na hatid ng Thai BL series mula sa GMMTV dahil nakatakdang ipalabas sa Pilipinas ang apat pang bagong serye tulad ng Baker Boys, Bad Buddy, Enchante at Not Me.
Higit sa isang libong pelikula naman ang mapagpipiliang panoorin, gaya ng 2020 Star Cinema movies na Boyette: Not A Girl Yet at My Lockdown Romance. Sa iWantTFC rin eksklusibong mapapanood ng mga Pinoy ang Tripol Trobol, ang director’s cut ng 3pol Trobol: Huli Ka Balbon! na pinagbidahan nina AiAi delas Alas, Jennylyn Mercado at Coco Martin.
Imbitado rin ang mga gamer at streamer sa The Gaming House, isang mala-Pinoy Big Brother na reality show kung saan maglalaban-laban ang sampung content creators para sa pagkakataong mapabilang sa e-sports talent agency na Tier One Entertainment.
Libre ang mga ito ng subscribers sa Pilipinas pero kung gustong manood nang walang ads, puwedeng kumuha ng premium subscription na nagkakahalagang P119 kada buwan.